UMAARAY ngayon ang mga magsasaka ng sibuyas makaraang ibagsak ang presyo ng kanilang mga produkto dahil umano sa mga imported na sibuyas.
Nanawagan ang mga magsasaka na itaas ang presyo ng kanilang inaaning sibuyas na dinadala sa mga pamilihan.
Anila, masyadong mababa ang presyo nito na umaabot lamang sa P25 hanggang P30 ang kada kilo.
Ayon sa ilang magsasaka, gabi at araw na silang nagtatrabaho sa sakahan upang makaani ng mas marami pang sibuyas dahil kinukulang ang kanilang kita sa baba ng presyo nito.
Sa naging pahayag ng Department of Agriculture (DA), pinapayagan lang ang importasyon ng sibuyas kung nagkukulang na ang suplay nito sa pamilihan.
Sinabi rin ng ahensiya na may nakahanda itong technical assistance para sa mga magsasaka na apektado ng bagsak-presyo ng sibuyas. DWIZ 882