MGA MAGULANG HANDS ON SA CAREER NG SB19 PINOY BOYBAND

Itinuturing na nangungunang boyband sa Pilipinas ang tinaguriang “Ppop kings” SB19 na kasalukuyang namamayagpag ang karera bilang bagong mukha ng OPM (Original Pilipino Music) artists na unti unti nang nakikilala sa iba’t ibang panig ng mundo. May mga tao sa kanilang buhay na tumutulong at isa sa nagiging dahilan upang manatiling masigla at lumalago ang kanilang fandom na tinawag na A’tin.

Ang SB19 ay kinabibilangan nina John Paulo Nase ( ang kanilang pinuno at song writer), Stell Ajero (main vocalist at choreographer ng grupo), Josh Cullen Santos (bilang main rapper), si Ken “Felip” Suson (bilang base vocalist at main dancer), at si Justin de Dios (sub vocalist at Creative Director ng grupo). Bagamat si Cullen at Suson ay katulad ni Nase na may kanya kanyang solong karera na rin bilang music producers at songwriters, sila ay nananatiling magkakasama bilang grupo.

Ang Ppop na bagong OPM genre na pilit pinauusbong ng naturang grupo, ang sagot ng Pilipinas sa sikat na sikat na Kpop na musika ng South Korea.

Sila ay nakilala dahil sa kakaibang atake sa musikang Pilipino na sila mismo ang gumagawa, kasabay ng mahusay na pagsasayaw na pag awit.Ang kanila ring versatility ay naipamalas sa pamamagitan ng paglikha ng iba ibang genre ng musika na Tagalog. or Taglish man ang lyrics.

Matapos ang halos apat na taong rigid training sa Korean Company na Showbt na bumuo sa kanilang grupo,nagself manage na ang SB19 at nagtatag na ng sarili nilang kompanya na IZ Entertainment matapos ang kanilang kontrata.
Ang SB19 ay tinatawag din ng mga fans na “mahalima” o ang ibig sabihin ang “mahal ang lima”, kung ayaw nilang maituring na me “bias” na sinumang miyembro ng grupo..

Ang kanilang mga ina na sina Grace Nase, Gemma De Dios,Mylene Ajero at Aldrene Santos ay hindi lang ang nagsisilbing gabay at inspirasyon ng grupo.Sila ay mistulang ambassador ng kanilang mga anak sa pagkonekta sa iba’t ibang fanbases ng kanilang A;tin fandom para sa kanilang mga anak.

Ang pagmamahal sa kanilang mga ina at ama ang nagsibling inspirasyon at pinaghugutan ng bawat miyembro ng SB19 ng mga lyrics sa nilikha nilang sikat na kantang MAPA, ang isa sa pinakasikat na kantang naisalin sa iba’t ibang wika sa iba ibang panig ng mundo. At dahil nasa ibang bansa ang mga magulang ni Suson, ang mga inang ito ang nagsilbing ikalawang magulang niya.

Dahil sa pagiging abala ng SB19 sa kanilang kaliwa’t kanang performances, sold out concerts sa Pilipinas at sa kanilang world tour sa ibang bansa ,paglikha ng musika, music videos , mga endorsements, interviews, press conferences, television appearances at iba pang shows at commitments, bihira ang pagkakataon na makasalamuha ang karamihan ng kanilang tagahangang padami nang padami saan mang panig ng mundo.

Ang A;tin ay itinuring na naging malaking bahagi at dahilan ng kanilang patuloy na pagsikat at pagiging matagumpay. Ang A’tin ay kasalukuyang itinuring na ring isa sa unti unti na nakikilalang sumisikat na international fandom, hindi lamang dahil sa padami nang padami ang bilang ng mga PIlipinong sumusuporta sa grupo kundi dahil na rin sa pagsali ng iba’t ibang lahi rito na tagahanga ng SB19.

At dahil sa imposibleng makasalamuha ang karamihan sa milyon milyon nilang tagahanga sa iba’t ibang panig ng Pilipinas at mundo, ang kanilang ina o minsan ang ama ang kadalasang dumadalo sa mga cup sleeve events o anumang kaganapan na isinasagawa ng mga fanbases na kung saan maaari sila ang makahalubilo ang iba;t ibang grupo ng mga tagahanga sakaling ang kanilang mga anak ay abalang abala sa karera.

Minahal ng mga A’tin at itinuring na celebrity moms lalo na ang mga ina ng SB19 dahil sa mahusay na paklikisama ng mga ito sa kanila.Madami na ring mga outreach activities na naisagawa ang mga fanbases sa ngalan ng kanilang idolo na dinaluhan at sinuportahan ng magulang ng limang miyembro.

At dahil sa pakikisalamuha ng mga ina at magulang ng SB19 sa mga tagahanga lalong napamahal ang lima sa A’tin lalo na kung may mga nalalaman silang bagay tungkol sa katauhan ng mga ito direkta mula sa mga magulang nila.Naituring ng A’tin na celebrity moms na rin ang mga magulang ng SB19 na pumapayag magpakuha ng litrato at dumadalo sa kanilang mga imbitasyon.

Ang mga magulang nila ay inistan na rin ng A’tin sapagkat aktibo na rin sila sa social media.Kung minsan ay nakikipag usap ang mga magulang na ito sa fans sa iba ibang uri ng social media platforms.

Batid ng mga magulang na ito ang mga matiyagang pagbubuo ng nga grupo ng mga A’tin sa iba’t ibang fanbases ayon sa kani kanilang edad, kabilang na ang mga lumalawak na tagahanga na kaedaran na nila. Ang A’tin ay aktibo sa pagpo-promote sa SB19 sa pag- i -stream ng kanilang mga musika, pagbili ng mga tickets sa concerts at merch,panonood ng shows ng grupo, pagboto sa iba’t ibang international nominations sa SB19, at iba ibang media platforms.24 oras aktibo sa pag uusap usap ang bawat fanbases sa kanilang mga gc at gdms.

Ayon kay Jun Ajero, ama ni Stell, mahirap man sa kalooban nila na ang kanilang anak ay madalas nang wala sa kanilang piling dahil sa pag- abot ng pangarap nito, kailangan nilang unawain at suportahan ito.

Ayon kay Mylene Ajero at Aldrene Santos labis nilang ipinagmamalaki ang mga mga anak sa mga narating nito. Ang mga magulang na ito ay nagbantay at humiling ng maayos na pagtrato sa kanilang mga anak sa pinagmulang banyagang kompanya nito sa simula pa lamang. Marami mang hirap na pinagdaanan ang SB19 bago nito nakamit ang tinatamasang tagumpay, ay nanatili sa kanilang likod ang kanilang mga pamilya.

Sa kasalukuyan nasa world tour ang naturang grupo.Katatapos pa lamang nila ng matagumpay na sold out concerts sa Araneta sa Pilipinas, Chicago at Dallas sa Amerika.Kabilang sa kanilang world tour sa kanilang series ng Pagtatag Concerts kung saan inaawit nila ang tracks na laman ng kanilang bagong Pagtatag EP album.Kasabay nito ay abala sa pagboto sa Billboard Fan Army ang A’tin kung saan ang SB19 at A;tin lang ang tanging Southeast Asian at Filipino na nominado, at sa Most Handsome Men na nominado ang limang miyembro kasama ng mga pinakanaglalakihang pangalan sa industriya ng musika sa mundo. Ang kanilang patok na kantang “Gento” ay patuloy na namamayagpag at patok kahit sa social media lalo na sa Tiktok at Twitter.

Ang SB19 ay nag-debut ng 2018 sa kanta nilang Tilaluha at muntik nang ma-disband matapos hindi tangkilikin ng publiko ang mga una nilang kanta. Biglang sumipa ang kanilang kasikatan sa pamamagitan ng kanilang rehearsal video sa awit nilang “Go Up” na naging viral sa Twitter.Sila ang kauna unahang Filipino boyband at South East Asia na na-nominate sa prestihiyosong Billboard Music Awards at Top Social Artist Category.

Sila rin ang kauna unahang Filipino na nag- chart at pumasok sa top ten ng international na Billboard Social 50 at marami pang naging hits.Si Felip din ang isa sa full blooded Filipino ang nag-perform sa Grammy Global Spin. Mula 2018 hanggang sa kasalukuyan ay nananatili silang humahakot ng kaliwa’t kanang awards.

Sila rin ang kasalukuyang Youth Ambassador ng National Commission for Culture and Arts (NCCA) bilang tagapagpalaganap ng awitin at kulturang Pilipino sa mundo.

Ang kanilang susunod na Pagtatag World Tour concerts sa U.S. . ay ngayong July 28 sa San Franciso, July 29 sa Los Angeles,California, August 5 sa New York City, August 6 sa Washington DC, at sa Canada, August 11 sa Toronto, sa August 13 sa Winnipeg, August 18 sa Vancouver, August 19 sa Edmonton.