MGA MAHALAGANG PAG-USAPAN

MASAlamin

NAPANSIN ko lamang na maraming impormasyon na bumabaha sa ating kapaligiran ay pawang walang ka­buluhan, kaya tining­nan ko ng makalawa ang sitwasyon at aking napagtanto na maa­aring na-o-overlook ng marami ang mas importanteng impormasyon na mas maigi sanang pinagninilay-nilayan ng ating mga kababayan.

Napansin kong napakadami palang mga proyektong pang-imprastraktura ang pamahalaan sa ilalim ni Pa­ngulong Rodrigo Roa Duterte.

Mga multi-bilyong infrastructure projects na makapagpapaangat ng buhay ng bawat Filipino.

Nandyan din ang desisyon ng administrasyon na ikonsulta sa taumbayan at pakinggan ang mga mamamayan ukol sa planong peace talks ng pamahalaan at ng mga rebelde.

Nararapat din sigurong pag-usapan ang matagumpay na ongoing rebel returnees program ng pamahalaan kung saan nagbababa sila ng kanilang mga armas at nagpapa-enroll sa livelihood program ng gobyerno.

Nararapat ding pag­huntahan ang agresibong kampanya ng Sandatahang Lakas ng Filipinas laban sa mga terorista kung saan ang pagtugis at bakbakan ay nasa Liguasan March na sa Maguin­danao.

Maayos ding punahin ang pagiging rising star ng Filipinas sa buong mundo dahilan na makaani ng respeto ang bansa at kagandahang-loob mula sa pa­rami ng paraming bansa na direktang nakatutulong sa ating pambansang ekonomiya at proteksiyon ng ating mga overseas Filipino worker (OWF).

Kahanga-hanga rin ang isinasagawang pag­lilinis ng liderato ng Philippine National Police sa hanay ng mga pulis.

Ngayon na lamang din tunay na may direktang sistematikong pagtugis sa mga riding-in-tandem na siyang naghahasik ng lagim sa ating kapaligiran araw-araw. (ITUTULOY)

 

Comments are closed.