MARAMI pa rin ang mga mamimili sa Duty Free Philippines Corporation (DFPC) sa gitna ng alarma sa 2019 novel coronavirus (2019-nCov) na nagsimula sa China.
Bagama’t walang itinala, sinabi ni DFPC chief Vicente Angala na ang state-owned corporation sales ay tumaas ng 15 percent sa unang tatlong linggo ng Enero.
“Our sales during the first three weeks of January are up by 15 percent compared to the same period last year nationwide,” sabi ni Angala sa isang mensahe kamakailan.
“While noting that it is still too early to comment on the nCoV’s further effect on DFPC’s sale,” sinabi ni Angala na he “trusts the authorities in handling the situation”.
Ang 2019-nCoV ay isang virus na kilala na siyang sanhi ng pagputok ng respiratory illness na naunang natiktikan sa Wuhan, China na ayon sa report ay nakabiktima at nakamatay ng higit sa 40 katao at nagkaroon na ang mahigit na1,000 iba pa, sa ngayon.
Kamakailan, sinuspinde ng Civil Aeronautics Board ang flights sa pagitan ng Wuhan at ng Filipinas para maagapan ang pagkalat ng sakit.
Nauna nang sinabi ng Department of Health na walanamang kumpirmadong kaso ng 2019-nCoV sa Filipinas.
Sinabi ni Angala na patuloy ang inisyatibo ng ahensiya at proyekto ng 2020 para mapanatili ang pataas na trajectory ng paglago. Para sa unang bahagi ng taon, sinabi niya na ang DFPC ay magbubukas ng bagong outlet sa Clark, Pampanga.
“We will be opening a new store inside Hilton Hotel in Clark by March or April this year to take advantage of the increasing international flights there,” lahad niya.
“DFPC welcomes the year with optimism that we will sustain our positive business performance, we aim to further expand our market reach with the opening of new Duty Free stores and the expansion of our merchandise lineup,” sabi niya. PNA
Comments are closed.