PINURI ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chairman Junie E. Cua ang papel ng mga pampublikong tagapaglingkod kasabay ng pagsisimula ng bansa sa pagdiriwang ng ika-123 anibersaryo ng serbisyo sibil ng Pilipinas.
“Every need that we can think about, we can expect that there are government workers trying their best to address it. Nariyan rin ang mga kawani ng pamahalaan sa bawat sakuna, nangunguna sa frontline para itaguyod ang kapakanan natin,” ani Cua.
“From our communities through barangay workers to the national level, the work of nation-building would not advance without public employees,” dagdag pa ni Cua.
Ang anibersaryo ng Philippine civil service ay ipinagdiriwang tuwing Setyembre. Ang serbisyong sibil ay nilikha noong Setyembre 19, 1900 sa bisa ng Pampublikong Batas Blg. 5 (An Act for the Establishment and Maintenance of an Efficient and Honest Civil Service in the Philippine Islands).
Ipinakilala ng Civil Service Commission ang isang 10-taong pangkalahatang tema noong 2021, “Transforming Public Service in the Next Decade: Honing Agile and Future-Ready Servant-Heroes”.
“The theme reflects the collective experience of the government workforce in the new normal, and in pushing for digital transformation and innovations to uphold public service excellence and continuity,” ayon sa nasabing Komisyon.
Inihayag din ng CSC na para sa taong ito, ang selebrasyon ay dapat tumutok sa kahalagahan ng paglinang ng dynamism sa mga manggagawa ng gobyerno upang pagyamanin ang sustainable management at pagpapalakas ng organizational resilience.
Suportado naman ni Cua ang pangangailangan na patuloy na magsikap sa pagbabago ng serbisyo publiko, dahil binigyang-diin niya ang mga hamon na ipinakita ng pagbabago ng klima at ang mga oportunidad na ipinakita ng digitalization.
“We in government should be initiators of change—wherever and whenever possible, we must introduce innovations to improve our service delivery,” ayon pa kay Cua.
Patuloy din aniya ang paghahanap ng PCSO ng mga paraan para mapabuti ang serbisyo nito.
“We take to heart our directive from Pres. Ferdinand Marcos, Jr., to continue improving how we serve the people. Kaya nagsusumikap din tayo na maging mas efficient at effective ang aming mga proseso para sa taumbayan. Kasama na rito ang pag-digitalize ng mga request for assistance at iba pang serbisyo ng PCSO,” ani Cua.