MGA MANGGAGAWA, TRATUHIN NA MGA FRONTLINERS

IGINIIT  ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvesto Bello III na ituring na frontliner ang mga manggagawa sa konstruksiyon.

Ginawa ni Bello ang pahayag sa paglulunsad ng isang special Covid-19 vaccination program para mga manggagawa sa sektor ng konstruksiyon at pagmamanupaktura.

Sinabi ng kalihim na ang ekonomiya ay hindi gagalaw “kung wala kayo, bilang mahahalagang manggagawa.”

“Kaya kayo dapat A1. Sa wakas ay napagtanto nila (ibang ahensiya ng pamahalaan) ang kahalagahan ng ating mga manggagawa (Dapat ay kabilang kayo sa A1 category),” pahayag ni Bello.

Sinabi ni Bello na habang ang health workers ang frontlines sa larangan ng medisina, ang mga manggagawa sa konstruksiyon at pabrika naman ang frontliner ng ekonomiya, kaya dapat pareho namin kayong alagaan.”

Mahigit sa 1,000 manggagawa sa nasabing sektor ang tumanggap ng kanilang unang dosis ng Covid vaccine mula sa mahigit kalahating milyong dosis na espesyal na inilaan upang makatulong sa mabilis na pagbubukas ng ekonomiya. Ang bakunang ito ay makatutulong sa programang Reform, Rebound, Recover 1Million Jobs for 2021 kung saan katuwang ng pamahalaan ang pribadong sektor.

Makukuha ng mga naunang tumanggap ng bakuna ang kanilang ikalawang dosis sa Oktubre 6.

Ang special vaccination program ay sa ilalim ng National Employment Recovery Strategy (NERS) Task Force na pinamumunuan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at co-chaired ng Department of Trade and Industry (DTI) at ng Department of Tourism (DOT).

Bukod sa iba pa, kasama rin bilang partner ang Employers Confederation of the Philippines (ECOP); Philippine Constructors Association; ang pamahalaang lokal ng Maynila. Bahagi ng okasyon ang Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry (FFCCCI); Globe Telecoms; at Intramuros Administration bilang mga sponsor.

Muling pinasalamatan ni Bello si vaccine czar Secretary Charlie Galvez sa pagtugon sa kanyang kahilingan na maglaan ng bakuna para sa industriya ng konstruksiyon at pabrika.
LIZA SORIANO

110 thoughts on “MGA MANGGAGAWA, TRATUHIN NA MGA FRONTLINERS”

  1. 508513 359252Maintain up the fantastic piece of function, I read few blog posts on this internet site and I believe that your site is real interesting and has lots of great info. 160568

Comments are closed.