DUDA ang mga mangingisda na kaya silang protektahan ng mga Philippine Coast Guard (PCG) sa maaaring gawing pag -aresto ng mga Chinese Coast Guard (CCG) sa oras na sila ay mangisda sa inaangkin ng China na teritoryo ng Pilipinas sa isla ng Bajo de Masinloc dahil sa nararanasan din umano nitong pangha-harass sa kanila ng mga banyaga.
“Sila nga mismo na ating Philippine Coast Guard ay naha-harass.So paano kami maniniwala na kaming mga mangingisda ay mabibigyan ng tamang proteksyon kung sila mismo ay nasasaktan.Inaakyat ang kanilang mga barko na para inspeksiyunin at agawin yung kanilang mga armas,” ayon kay Leonardo Cuaresma,opisyal ng New Masinloc Fishermen Association sa isang radio interview.
Ito ay matapos ang pinakahuling insidente ng pag- atake ng CCG sa mga kasapi ng PCG na nabigo sa kanilang resupply mission para sa mga tropa ng sundalo sa Second Thomas Shoal matapos silang marahas na atakehin ng nasabing mga banyaga na nag -aktong “pirata” ng nag- akyatan sa Philippine vessel.
Inilarawan ng mga awtoridad ng Pilipinas na nagmistulang “barbarian at pirata “ ang CCG matapos ng mga itong banggain at paikutan ang inflatable boat ng PCG, saksakin at sirain ang naturang vessel, kinumpiska at masaktan ang mga lulan nitong mga pwersa ng mga Pilipino habang armado ang mga naturang banyaga ng bolo, palakol, at kutsilyo.Kinumpiska rin ng CCG ang mga telephone at communication equipment ng PCG at sinamsam ang mga armas nito. Matapos akusahan ng marahas na pag -atake, itinanggi ito ng pwersa ng Tsino at inakusahan nitong ang mga PCG ang may kasalanan sa insidente na napabulaanan naman ng video na inilabas ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
“At sila pa yung nasasaktan at nasusugatan.Napuputulan ng daliri.So kung kami na mga sibilyan na mangingisda , paano kami maipagtatanggol ng ating mga Philippine Coast Guard kung sila mismo ay hindi nila maidepensa ang kanilang sarili,” ang pahayag ni Cuaresma.
Matatandang nagpahayag ng pangamba ang mga mangingisda sa kanilang kaligtasan matapos magdeklara ang China na aarestuhin at ikukulong ng 30 hanggang 60 araw nang walang trial simula Hunyo 15 , ang sinumang banyaga na itinuturing nilang tresspassers sa inaangkin nilang teritoryo sa West Philippine Sea(WPS).
Ito ay matapos ang serye ng mga insidente ng panghaharass ng CCG sa PCG na binobomba nila ng water cannon, ginagamitan ng laser at communication jamming, binabangga at ginagamitan ng dangerous maneuvers upang harangin ang pwersa ng mga Pilipino na nagsasagawa ng resupply mission para sa mga sundalong naka istasyon sa Second Thomas Shoal.Gayundin, nagreklamo ang mga mangingisda lalo sa ang mga nanghuhuli ng isda sa gawi ng Bajo de Masinloc na kinukumpiska ng CCG at Chinese militia ang kanilang mga huli habang sila ay hina-harass at itinataboy ng mga ito kung kaya apektado na aniya ang kanilang mga kabuhayan.
Ito ay sa gitna ng pag-aangkin ng China ng 90 porsiyento ng WPS o tinatawag nilang South China Sea.
Pinaboran ng International Tribunal ang Pilipinas sa bahagi ng karagatang 200 nautical mile na nakapaikot dito bilang Exclusive Economic Zone (EEZ) nito at nireject ang pag- angkin ng China sa teritoryo na bahagi nito.
Bukod sa Pilipinas at China, may mga overlapping claims din sa disputed waters ang Vietnam,Malaysia, Brunei, at Taiwan.
Kinondena ng Pilipinas at ilan pang kaalyadong bansa nito kabilang ang United States ang umano’y “escalatory” at “irresponsible actions” ng China.
“Sa kasalukuyan po yung ating mga mangingisda na pumupunta po sa Bajo de Masinloc, ay hindi na po sila ngayon pumupunta sa dahil ito po yung pangyayari na talagang matindi na po ang ginagawang pagbabantay ng mga Chinese troops dyan sa Bajo de Masinloc.Kaya yun pong regular na pumapasok dyan sa pumapalot dyan ngayon sa Masinloc na mayroong limampung mangingisda na pumupunta dati dyan ay sa ngayon dahil matindi ngayon ang kanilang ginagawang pagbabantay sa bahura ng atin pong karagatan ay hindi na po sila bumabalik,”paliwanag ni Cuaresma.
Simula nang naging agresibo ang China laban sa mga Pilipinong mangingisda at PCG, at gumawa ng ilang hakbang ang mga mangingisda upang igiit sa mga banyaga ang karapatan sa karagatan na nasa loob ng Exclusive Economic Zone nito tulad ng paglalayag na nagwawagayway ng bandila ng Pilipinas.
“Unang una ay natitipan natin ang nangyayari ngayon mapanganib po yung nangyayari na talagang nangyayari na hinaharass na po nila yun pong ating mangingisda.At maging yun pong ating Philippine Coast Guard.,” dagdag pa ni Cuaresma.
Mula pa June 15 ay matindi na ang pagbabantay ng mga CCG sa Bajo de Masinloc na pinapaikutan na nito.Lumalapit na rin daw sa pampang ng Pilipinas. “Mula po ng June 15 ay matindi na ang kanilang pagbabantay.Napaikutan na po nila yun pong Bajo de Masinloc.Sa ngayon ay halos na saisang daang milyahe na po ang layo namain talaga.Na talaga na patuloy po ang pagpapatrolya ng mga Chinese Coast Guards dyan.Sa atin pong karagatan.Kaya yun pong atin na Scarlborough fishermen ay hindi na po nakakabalik para pumalaot para mangisda doon sa Bajo de Masinloc,”ayon kay Cuaresma.
“Ang ginagawa na lang po nila ngayon ay nakikigaya na lang po sila sa mga deep sea fishermen na ngayon nakakapalaot na lang kami hanggang 20 to 30 nautical miles na lang po yung aming nararating para pangisdaan.Galing sa dalampasigan ng Zambales.Dahil po yung ating mga mangingisda ngayon kung saan ang hindi po nila natatanaw yung mga kalaban po natin na Chinese Coast Guard ay doon na lang po sila nakakapangisda. At tanging pangangawing na lang po yung ginagawa ng ating mga kasamahan dyan sa may payaw po na nasa gitna ng karagatan.Sa ngayon yung kanilang mga barko ay nakakapagpatrolya na po sila hanggang dito sa 30 milyahe mula po dito sa pampang.Natatanaw na po namin yung mga barko nila.Kahit hindi na sila lumalapit sa Bajo de Masinloc lumalapit pa sila sa pampang ng Pilipinas,”sabi ni Cuaresma.
Ang pahayag ay isinagawa nila ilang araw matapos tiyakin ng pamahalaan na maaari silang magpatuloy ng pangingisda sa naturang karagatan sapagkat poprotektahan umano sila ng pwersa ng pamahalaan. MA. LUISA GARCIA