Dalawang buwaya na namataan sa Sarangani Bay sa Mindanao ang nagdulot ng masidhing takot sa mga mangingisda kung kaya hindi na muna pumalaot ang mga ito.
Ang ilang mangingisda sa Barangay Loon Padido sa bayan ng Malapatan, ay minabuting huwag na muna pumalalot, dahil sa pangambang atakehin sila.
Nanawagan ang mga mangingisda sa lokal na pamahalaan na agad sanang hulihin ang mga buwaya upang muli silang makapaghanapbuhay.
Namataan ang dalawang buwaya na palutang lutang sa naturang karagatan noong Linggo. Isa rito ay nakitang lumapit sa bangka ng isang mangingisda.
Ma. Luisa Macabuhay-Garcia