MGA MANGYAN SOLAR ANG GAMIT NA KURYENTE

ORIENTAL MINDORO-MAGING ang mga katutubong Mangyan ay natututo na sa paggamit ng alternatibong light energy sa pamamagitan ng mga Solar Light Panel.

Dalawamput limang katutubong Mangyan ang pormal na nagtapos ng Solar Light Panel Assembly & Installation Training ng TESDA.

Humanga naman sa husay at galing na ipinamalas ng mga katutubo sina Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Regional Director Manuel B. Wong at TESDA Provincial Director Joel Pilotin.

Nakatakda naman isunod ng ahensiya ang libreng pagsasanay para sa Organic Agriculture Production katuwang ang Department of Agriculture (DA) sa mga susunod na araw.

Kaugnay nito, nagpasalamat ang 25 katutubo sa oportunidad na naibigay sa kanila lalo pa’t maliban sa libreng pag-aaral tumanggap rin sila ng P1,620 cash allowance sa pitong (7) araw nilang pagsasanay.

Anila,malaking tulong ang kanilang natutunan dahil libre na nilang makakabitan ng kuryente ang kanilang mga tahanan gamit ang solar panel at maari pa nila itong gawing hanapbuhay.

Ang programang ito ay bahagi naman sa pagtalima ng TESDA at mga kaagapay na ahensya ng pamahalaan sa Executive Order No. 70 ni Pangulong Rodrigo Duterte o ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC). RON LOZANO

7 thoughts on “MGA MANGYAN SOLAR ANG GAMIT NA KURYENTE”

  1. 273349 381665Hi. Cool article. Theres an concern along with your website in firefox, and you might want to check this The browser could be the market chief and a excellent section of people will pass over your excellent writing because of this problem. 730089

Comments are closed.