MGA MANUKAN SA PANGASINAN TINUTUTUKAN VS BIRD FLU

MANUKAN

PANGASINAN – UPANG maiwasan ang malalang problema sa negosyo ng manukan, sinusuri na ng mga dalubhasa katuwang ng awtoridad ang mga manukan sa lalawigan upang maagapan at mapigilan ang posibilidad outbreak ng ilang bird disease.

Ang pagkilos ay nag-ugat nang maalarma ang ilang residente sa bayan ng Mangaldan sa pagkalat ng “Newcastle disease” at avian influenza matapos ang sunod-sunod na pagkamatay ng alagang manok sa ilang barangay.

Ayon kay Dr. Gilbert Rabara, hepe ng Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory, patuloy ang monitoring ng kanilang hanay ngayon nang maiwasan ang banta ng pagkalat ng mga nasabing sakit sa manok.

Masusi ring sinusuri ang ilang poultry na ibinabiyahe palabas ng lalawigan.

Pinawi naman ng doktor ang pangamba ng mga residente at sinabing hindi pa maituturing na alarming incident ang mga ulat pagkat maliit ang bilang ng mga naitalang patay na manok, gayundin na nailibing na ang mga ito ng ma­ayos.        PMRT

Comments are closed.