MGA MAY COVID NA OVERSEAS FILIPINO, 12,876

DFA

HINDI nadagdagan ang bilang ng mga Filipino na nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) y nanatili sa 12,876 na overseas Filipinos (OFs) pa rin ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa 84 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 3,578 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Nasa 8,387 naman ang mga naka-recover o na-discharge na sa ospital habang 911 ang  pumanaw dahil sa COVID.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na mga Pinoy sa bahagi ng Middle East/Africa na may 7,658 na kaso.

Sumunod  ang Asia Pacific Region na may 2,664 confirmed COVID-19 positive cases.

Nasa 1,772 naman kaso  sa Europe at 782 sa America.

Comments are closed.