Mga Minor Side Effects ng Covid Vaccines Na Maaring Maranasan ng Isang Tao

DOC ZACATE-ZACATERBANG PAYO.jpg

Nitong mga nakaraang araw ay dumating na ang pag-asang bakuna laban sa Covid sa ating bansa. Ang mga Covid Vaccines na ito ay naglalayon na tapusin at matuldukan na ang pandemyang Covid na nagpahirap hindi lang ng ating bansa, pati na din sa buong mundo. Ang pagdeliver ng mga bakunang ito ay hindi mangyayari kung hindi sa masigasig na pagpupursige ng ating gubyerno. Kaya naman ito ay isang “Giant Leap” para sa ating bansa upang sa ganuon ay bumalik na sa normal ang ating buhay at pamumuhay sa mga susunod na panahon. Ang lahat ng ito ay dahil sa PAGMAMALASAKIT ng ADMINISTRASYONG DUTERTE.

Nagsimula na ang programa ng pagbabakuna laban sa Covid, at ito ay isinigawa sa mga tertiary hospitals tulad ng, Philippine General Hospital, East Avenue Medical Center at iba pa. Ang mga unang dumating na bakuna ay ibinigay at ibibigay sa ating mga Uniformed Personnels, at mga Health workers bilang mga priorities. Dahil nag “Roll Out” na ang bakuna, ang kailangan malaman at tandaan ng mga tao ay ang mga minor side effects na maari nilang maranasan kapag sila ay nabakunahan na.

Sa ngayon, dalawa ang uri ng Covid Vaccines na mayroon tayo, ito ay ang mga gawa ng Kumpanyang SINOVAC at ASTRAZENECA. Ang mga bakunang ito ay dumaan sa mga metikulosong proseso bago magamit ng mga tao. Ang mga minor side effects na aking itatalakay ay nagkakaiba-iba sa mga tao dahil sa difference ng response ng kanilang katawan, ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

1. Pananakit or pangangalay ng area kung saan nag-injection- ito ay maaring maramdaman pagkatapos mabakunahan, at maari mawala pagkatapos ng ilang araw, maari din itong humupa sa pamamagitan ng pag inom ng pain relievers.

2. Sinat- ito ay maaring mangyari sa ilang tao at maaring mawala after ng ilang araw or pag-inom ng Paracetamol.

3. Panghihina ng katawan at Chills

4. Pagduduwal or pagsusuka

5. Pamamaga at konting rashes sa area kung saan nag-injection- pangkaraniwan, ito ay isang delayed reaction at nangyayari tatlo hanggang 4 na araw pagkatapos mabakunahan, ang rashes ay minimal lamang at maaring mawala sa pamamagitan ng pag-inom or pagpahid ng mga anti allergic medications.

6. Paglaki ng kulani sa Kili-Kili or Balikat- ito ay madalang mangyari sa isang taong nabakunahan, ngunit ito ay nawawala sa mga araw na lilipas. Ang sanhi nito ay ang pagiging reactive at active ng ating immune system sa bakuna upang mag produce siya ng mga Immunoglobulins laban sa sakit na Covid.
Wala pang specific na data at statistics ng possibilidad at occurrence ng mga minor side effects na ito sa mga bakunang Astrazeneca at Sinovac. Nuong March 2, 2021, nakapagtala ang Department of Health ng 20 vaccinees na naka experience ng MINIMUM SIDE EFFECTS tulad ng rashes sa injection site, pagduduwal at bahagyang pagtaas ng Blood Pressure. Ang mga ito ay pangkaraniwan ko ng nakikita sa aking clinical practice sa mga taong nabakunahan ng kahit anong klaseng bakuna, ito ay self-resolving kaya’t walang dapat ikabahala ang ating kababayan.

Kapag mayroong katanungan maaring mag email sa [email protected] or mag like at mag comment sa fan page na Medicus Et Legem sa facebook link (https://www.facebook.com/Dr-Sam-Zacate- Medicus – et -Legem-995570940634331/) – Dr Samuel A Zacate

Comments are closed.