MGA MULTO SA LUMANG BILANGGUAN NG INTRAMUROS

Batay sa kasaysayan, ang Intramuros ang ay ang Old Manila. Tinatawag din itong City dahil napapalibutan ito ng matataas at matatabang pader.

Ang mga pintuan papasok at palabas dito ay ang Puerta Almacenes, Puerta de la Aduana, Puerta de Santo Domingo, Puerta Isabel II, Puerta del Pari­an, Puerta Real, Puerta Sta. Lucia, at Puerta del Postigo. Tatlo sa mga gates na ito ang nawasak.

Ngunit dahil bilanggu­an ang pinag-uusapan, natural lamang na mapag-usapan ang mga dungeon sa loob ng Fort Santiago. Noong unang panahon, dito ikinukulong ang mga erehe at pilibusterong nahatulan ng kamatayan.

May dalawang klase ng dungeons sa Fort Santiago. Una, ang espesyal na bilangguan kung saan ikinukulong ang prisonero ngunit may pagkakataon pang makalaya — doon ikinulong si Dr. Jose Rizal mula July 6, 1892 hanggang July 15, 1892 dahil sa kasong pagkakakat ng mga pa­nulat na laban sa mga paring Kastila, na umano’y natagpuan sa tampipi ng kanyang kapatid na si Lucia na kasamang dumating ni Rizal sa Pilipinas mula sa  Hongkong.

Nakulong siya sa Fort Santiago barracks sa dakong kanluran ng Plaza de Armas, at nahatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng firing squad sa Bagumbayan.

Walang matibay na ebidensyang magdidiin kay Rizal na sinusuportahan nga niya ang namumuong rebolusyon laban sa mga Kastila ngunit sino ang pwedeng kumwestyon sa mga prayle?

Ang ikalawang uri ng dungeon ay dating ginagamit na powder magazine, kung saan iniimbak ng mga Kastila ang mga baril at gunpowder. Ang original na gamit nito ay imbakan ng mga baril at bala o gunpowder storage, ngunit tuwing magkakaroon ng high tide sa hapon ay umaabot ang tubig dito mula sa Manila Bai, lalo na kung umuulan.  Kaya ginawa na lamang nila itong kulungan, partikular para mga nahatulan ng kamatayan. Sama-samang ikinukulong dito ang mga prisonero at bahala na sila sa buhay nila. Walang nakalalabas sa nasabing dungeon ng buhay dahil nalulunod sila.

San Ramon Penal Colony ang pinakamatandang bilangguan sa bansa. Kinilala na ito mula pa noong 1866. Ito umano ang oldest existing national penitentiary sa buong bansa.

Matatagpuan ito sa Silangang bahagi ng Zamboanga, at itinayo noong August 21,1870 gamit ang isang royal decree na ipinalabas noong 1869.

Kung tutuusin, mas matanda pa ang San Ramon Penal Colony kesa Fort Santiago dungeons, ngunit mas makasaysayan ang huli. Ilang panahong ipinagbawal ang pagtungo sa nasabing mga dungeons dahil umiiwas raw sa disgrasya. Kamakailan, binuksan ito sa publiko mula 8:00 am hanggang 5:00 pm — madalas kasing magkaroon ng high tide kapag 6:00 pm na.

Nang dalawin namin ang nasabing bilangguan, nakaramdam ako ng pagtayo ng mga balahibo sa batok. Nangangahulugang may mga kaluluwa pang hindi matahimik na nananatili s nasabing lugar, kaya nag-alay akong dasal para sa kanila.

JAYZL VILLAFANIA NEBRE