MGA NAGBIGAY NG HALAGA SA NUTRISYON KINILALA

(Part 2)

KINILALA ng pamahalaan ng Bulacan ang mga nagsipagwagi para sa Malunggay Kahit Saan (mga magulang ng Day Care na mag-aaral na nag-aadbokasiya ng pagtatanim ng malunggay) mula sa Bangkal, Norzagaray para sa unang gantimpala, Duhat, Bocaue, ikalawang gantimpala at Burol 1st, Balagtas, ikatlong gantimpala. Sila ay tumanggap ng P5,000, P3,000 at P2,000 ayon sa pagkakasunod-sunod.

Idiniin naman ni Bulacan  Bise Gobernador Daniel Fernando ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malusog na pangangatawan sa pagkakamit ng maunlad at matatag na ekonomiya.

“Wala pong ibang magpapanday ng matatag na ekonomiya kundi ang mga mamamayang may malusog na pangangatawan at kaisipan. Kaya salamat po at palagi tayong magkatuwang sa isang bagay, ang ikabubuti ng bawat isa,” ani Fernando.

Ipinaliwanag naman ni Regional Nutrition Program Coordinator Ana Maria Rosaldo ang tinawag niyang mahika sa pagtatanim sa bakuran.

“Nag-focus tayo sa food gardening una para maiwasan ang micronutrient deficiency at mapalaganap ang pagkakaroon ng variety sa nakahaing pagkain sa hapag, pangalawa ay upang mapababa ang bilang ng may food insecurity o kakulangan sa pagkain at pangatlo ay upang mapataas ang konsumo ng prutas at gulay. This is magical dahil sa sariling lugar lang natin makakakuha tayo ng masusustansiyang pagkain na magpapalusog sa katawan natin,” dagdag ni Rosaldo. ARIEL BORLONGAN

Comments are closed.