MGA NAGTITINDA SA IMUS MARKET PINAGPAPALIWANAG NG DTI

imus market

PINAGPAPALIWANAG ng Department of Trade and Industry (DTI) sabay sa pagpapalabas ng notice of violation ang lahat ng mga nagtitinda sa Imus public market.

Napansin ng monitoring team ng ahensiya at ng Deparment of Agriculture (DA) sa kanilang ginawang pag-iinspeksiyon kamakailan sa Imus market, na walang mga price tag ang mga paninda rito.

Ayon kay DTI Usec. Ruth Castello, paglabag ito sa price act dahil mahalagang malaman ng mga kon­s­yumer ang presyo ng mga bilihin.

May mangilan-ngilan daw na vendor na nagtataas ng presyo kapag alam na hindi tatawad ang mga mamimili.

Napansin din ng DTI na sobra ang taas ng presyo ng karneng baboy sa Imus public market.

Mula sa 190 hanggang 220 pesos na SRP ng karneng baboy,  ibi­nebenta ito ng 250 hanggang 270.

Dahil dito, ipatatawag ng DTI ang mga supplier ng mga karneng baboy upang pagpaliwanagin kung bakit mataas ang kanilang pasa ng karne sa mga market vendor.

Samantala, tama naman ang presyuhan ng mga manok na 135 hanggang 140 pesos ang kada kilo habang mababa rin ang presyo ng mga gulay dahil sa sapat na suplay.

Comments are closed.