MAYNILA-PATULOY na tumataas ang bilang ng mga pasyente ng coronavirus disease (COVID-19) na nakarekober kaysa sa mga nasawi.
Sa ulat , nadagdagan rin ng 56 ang mga pasyenteng gumaling sa sakit kaya umabot na sa 572 ang kabuuang bilang ng mga survivor o recoveries ng virus.
Nakapagtala rin ang Department of Health (DOH) ng 172 bagong confirmed COVID-19 sa bansa.
Sa isang virtual presser, iniulat ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na ang mga naturang bagong kaso ng sakit ay naitala nila hanggang alas-4:00 ng hapon noong Linggo.
Bunsod naman ng mga bagong kaso ng sakit, umakyat na sa 6,259 ang COVID-19 cases sa bansa.
Sa naturang bilang, 409 na ang kumpirmadong nasawi matapos ba madagdagan ng 12 pa. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.