MAYNILA – NAGBABALA ang Bureau of Immigration (BI) sa mga Filipino na nagnanais magtrabaho sa abroad na iwasang makipag-deal sa mga unscrupulous person at maging sa social media upang makaiwas sa problema.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente ang babalang ito ay para hindi maranasan ang sinapit ng mga naging biktima ng illegal recruiters at sindikato sa facebook.
Dagdag pa nito na iwasang makipag-transaction sa mga ito partikular na sa mga pangakong high paying job na inaalok ng grupo sa social media.
Aniya ang mga overseas job seekers ay makipag-ugnayan direkta sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) para matiyak na lehitimo ang mga trabaho sa ibang bansa. FROI MORALLOS
Comments are closed.