MGA NAIWANG BAGAHE IHAHATID NG AIRLINES SA MAY ARI

NAALARMA  ang 100 overseas Filipino workers (OFWs) makaraang hindi makuha agad ang kanilang mga bagahe pagdating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 kahapon ng umaga.

Ayon sa impormasyon, tinatayang aabot sa 348 luggage noong Sabado at 200 noong Linggo ng umaga ang nawawalang bagahe ng mga bakasyunista matapos magkaaberya at mag-over heat ang bag handling system ng NAIA terminal 3.

Ayon sa source, nag-overheat ang baggage sorter kaya manual na ni-retrieve ng airport workers ang mga bagahe.
Ang 348 luggage na naiwan noong Sabado ay pag-aari ng mga pasahero papunta sa mga probinsiya ng Bacolod, Cebu, Cagayan de Oro, Roxas, Dumaguete, Dipolog, Davao, General Santos, Iloilo, Misamis, Legaspi, Tacloban, Tuguegarao, Virac at Zamboanga.

Ayon sa post ni Tess Ehrlich at Edbert Kent Arana, mga pasahero ng flight 5J at 5J 477, “Where our luggage? Please help us we need our baggage this evening.”

Kaugnay nito, ipinaliwanag ni Cebu Pacific Spokesperson Carmina Romero, na ang mga naiwang bagahe ay ihahatid ng airlines sa buong bansa.

Dagdag pa ni Romero, pangunahing nilang prayoridad ang pagbabalik sa mga bagahe. FROILAN MORALLOS