INIURONG ng complainant sa 15 graft charges laban kay Masbate Gov. Antonio T. Kho ang 10 nalalabing kaso kasunod ng outright dismissal ng Ombudsman sa naunang limang kaso.
Inamin na walang maanomalyang gawain na maaaring mahinuha mula sa mga reklamo, nilagdaan ni Ruben Fuentes, isang media practitioner sa Masbate, noong March 14, 2024 ang isang desistance affidavit para sa 10 reklamo na nakabimbin sa Deputy Ombudsman for Luzon.
Humingi rin ng paumanhin si Fuentes kay Kho at sa 10 iba pang provincial officials na idinawit sa mga reklamo.
“I apologized to Gov. Antonio Kho and the other officials of Masbate provincial government for filing these baseless and malicious cases. I am deeply sorry and I regret whatever embarassment these complaints may have caused in their names and reputation in the eyes of their constituents,” aniya.
Ipinaliwanag ni Fuentes sa kanyang two-page Affidavit of Desistance na matapos ang pagsusuri ng Ombudsman sa limang ibinasurang kaso, ang kanyang mga reklamo ay tunay na “prematurely filed.”
Inamin niya na ang nature ng mga dinismis na kaso ay katulad sa 10 nakabimbing kaso sa Ombudsman.
Pag-aamin pa niya, inisyal siyang umasa sa hindi kumpletong impormasyon nang isampa niya ang 15 graft cases.
“The common reason given for the outright dismissal is that the complaint is premature because the basis, which are the findings and observations contained in the Management Letter of Annual Audit Report of the Commission on Audit, are not final as they are still subject to the agency’s comments or compliance with COA’s recommendations,” pagbibigay-diin ni Fuentes sa kanyang sworn statement.
Sinabi niya na, “as I pondered on the outright dismissal of the aforecited complaints, I realized that indeed the COA issuances are not final until a complete appreciation of the facts and circumstances which surround each project. For this reason, no acts of anomalies or corruption could be inferred based on the COA issuances.”
Sa ilang pagkakataon noong nakaraang taon, kabuuang 15 kaso na may magkakaparehong nature ang isinampa ni Fuentes laban kay Kho at sa 10 iba pang opisyal ng provincial government dahil sa umano’y maanomalyang disbursement ng public funds.
Gayunman, sa magkakahiwalay na notices na ipinadala sa complainant, tahasang ibinasura ng Ombudsman ang lima sa 15 graft raps tinukoy ang kaso ng Ombudsman v. Andutan, Jr. (G.R. No. 164679, July 27, 2011).
“The Ombudsman held that conclusions drawn merely from audit reports hinge on technical matters and may still be subjected to clarification through discussions between the COA and the public officer.”
Si Kho ay muling nahalal na gobernador ng Masbate noong May 2022 polls. Noong nakaraang taon, ang provincial government ay kinilala ng Philippine Statistics Authority sa pagbaba ng poverty incidence ng 11.3% mula 2018 hanggang 2023, ang best performer sa rehiyon tinukoy ang malawakang infrastructure projects at accessible trade routes bilang contributing factors.
Si Kho ay kinilala rin bilang isa sa top performing governors ng analytics team ng independent survey firm RP-MD Foundation, tinukoy ang kanyang mga pagsisikap sa pagtatayo ng linkages via shipping routes mula Masbate hanggang mga kalapit na rehiyon ng Bicol, Calabarzon, Mimaropa, Eastern Visayas, Central Visayas at sa Northeastern Mindanao, dahilan upang ang lalawigan ay maging bagong transhipment point ng bansa.
Ang pagpapanatili sa peace and order sa lalawigan kung saan nanatiling mababa ang level of index at non-index crimes at ang pangunguna sa pagsuko ng daan-daang rebelde ay nagbigay-daan upang makakuha ang provincial gov’t ng P500 million support funds mula sa PAMANA-OPAPP at P4 billion na halaga ng rural infrastructure projects mula sa Philippine Rural Development Program.