GOOD day, mga kapasada! Kumusta po ang buhay? Ang kalusugan? Ang pamilya? Sana po, ang lahat sa buhay natin ay nasa maayos na estado, ligtas sa lahat ng kinatatakutan…ang pandemya. Gaya ng malimit nating talakayin, huwag tayong pasaway at religiously, igalang natin po ang coronavirus pandemic protocols para sa tuluyang ligaya ng pamilya. Sa isyu pong ito, tatalakayin natin ang mga kamalian sa pagmamaneho na ang karaniwang end result ay sementeryo kaya ingat, mga kapasada, huwag pasaway at buong pusong isadiwa ang paksang ating tatalakayin. Ayon sa ulat, isa sa pangunahing dahilan ng car accidents na nagdudulot ng kamatayan sa ating mga drayber ay ang gasgas ng paksang malimit nating talakayin sa Patnubay ng drayber. Ang culprit, ay naku, ito ang karaniwang bad habit na kinagawian natin, mga kapasada, ang HUMAN ERROR. Yes, mga kapasada. Driving mistakes can cost lives. If you don’t want yourself and your family to be part of the death statistics, aba, mga kapasada, start with self-awareness.
PITONG KAMALIAN SA PAGMAMANEHO NA NAKAMAMATAY
Ang unang dapat gawin ng isang drayber bago lumarga sa kanyang patutunguhan ay tiyaking: 1. Tsekin ang iyong BLOWBAGETS Bago ito sa inyong pandinig, ‘di po ba? Aba, e, bago lumabas ng inyong garahe, tiyakin na ang road safety ay nagsisimula even before you take your car on the go. Ang BLOWBAGETS ay ang coined words na ginawa ng PNP-HPG na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagkondisyon ng inyong sasakyan tulad ng mga sumusunod: OK pa ba ang inyong baterya, ang mga ilaw, ang langis, tubig, preno, hangin ng gulong, gas, ang makina, dala ba ang mga kagamitan gamit just in case na magkaroon tayo ng aberya at ang lalong higit na dapat bigyan ng pagpapahalaga ay ang kondisyon ng sarili, okay ka ba? Ang ikalawang dapat huwag makaligtaan sa pagmamaneho kung ikaw ay on the go na ay ang paglalagay sa katawan ng iyong seat belt na lubhang mahalaga sa road safety. Ang seat belt ay isa sa basic guidelines para sa mga baguhan at mga batikang drayber. Gayunman, ang Seat Bellt Law (RA 8750), ayon sa Land Transportation Office (LTO), ay maituturing na most violated law in the Philippines. Ayon sa LTO, ang mga rear seat passenger ay kailangang nakasuot ng seat belt. Gayundin, the seat belt law ay nagbabawal din sa mga batang may edad na anim pababa na sumakay sa front seat kahit na ang mga ito ay kalong pa ng kanilang mga magulang o kung sino mang nakatatanda. Ang ikatlong paalaala ay ang pagmamaneho ng lasing. Kung kayo ay dumalo sa nakaraang magdamag sa isang pagpapalipas ng antok sa pamamagitan ng pagtungga ng anumang inuming nakalalasing, aba, don’t force yourself to drive! Maaaring ang kahantungan kung pipilitin mong gumulong sa lansangan ay magising ka sa katotohanang you’re confined in the hospital. Gusto mo ba ang ganoong pangyayaring maganap sa iyong buhay? Ang ikaapat na bad habit na dapat mong iwasan ay ang Bad Overtaking. Ang bad overtaking ay isa sa top causes of road crashes in the Philippines, ayon sa pahayag ng Philippne National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG).
Ayon sa PNP-HPG, nakatala sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang maling overtaking ay nakapagtala ng halos 8,000 accidents sa buong bansa mula noong 2010 hanggang 2012. Ayon sa LTO, this bad driving practice ng ating mga kapasada ang nagiging dahilan kung bakit ang ating mga lansangan ay nagiging highly dangerous not just for the erring driver kundi gayundin para sa ibang matitinong motorista.
Karaniwang nagaganap ang banggaan kung nakaligtaan ng drayber na ma-check ang kanilang side mirror o ang rear view mirror bago pa man magpalit ng linya o ma-miscalculate the speed and distance ng mga dumarating na sasakyan. Kaya payong LTO, huwag kang pasaway, ingat lang. Ang ikalimang dapat tandaan ay BAD TURNING. Bago magmaneho, lagi mong itanim sa isipan ang paggamit ng signal lights kung ikaw ay may balak na lumiko.
Hindi batid ng iyong kabuntot kung ano ang balak mong gawin. Kaya gamitin ang signal lights kahit ilang sasakyan pa ang iyong sinusundan para magkaroon ng pagkakataong makapag-adjust ng speed ang sumusunod sa hulihan. Ang bad turning, tulad din ng bad overtaking, ay isa sa cardinal mistakes ng ating mga kapasada na dapat iwasan, ayonsa LTO. Gamitin ang inyong signal lights kapag lumiliko, nag-u-uturn, nagpapalit ng linya at backing up, payo pa ng LTO. Ang ikaanim na kamaliang dapat unawain ng isang drayber bago magmaneho ay ang TEXTING WHILE DRIVING.
Sa paliwanag ng LTO, kung biglang nag-ring ang iyong cellphone, huwag karaka-raka itong sasagutin. Ang urgent call ay makapaghihintay. Ang hindi kaagad pagsagot sa tawag sa cellphone ay makasasagip sa iyong kaligtasan kaysa texting while driving.
Paalaala ng LTO, alalahanin na mayroon tayong umiiral na Anti-Distracted Driving Law na naglalapat ng parusa sa mga mahuhuling lumalabag dito in case na magkaroon ng aksidente dahil dito. Ang ikapitong dapat maunawaan bago magmaneho ay OVER SPEEDING. Binigyang-diin ng LTO na hindi tanggap na katuwiran ang karaniwang rason ng isang nakaaksidenteng drayber na “sorry, nawalan ng preno” (lost brakes). Ang mga responsableng drayber don’t treat the highway na para itong isang racetrack. Iwasang mabingit sa panganib ang iyong buhay, gayundin ang iyong mga kasakay (pas-sengers), kaya payo ng LTO, magmaneho sa tuling hinihingi ng karatulang speed limit.
DALAWANG TAONG MORATORIUM SA UTANG HILING NG PBOAP
Dumulog kamakailan ang Provincial Bus Operators Association of the Philippines (PBOAP) sa mga bangko at mga financial institution upang hilingin na ang kanilang pagkakautang ay mabigyan ng dalawang taong moratorium gayundin sa pataw na interest (tubo). Ayon kay Engr. Alex Yague, Executive Director ng PBOAP, ang liham kahilingan ay kanilang ipinarating kina Atty. Jude Romano, pangulo ng Philippine Finance Association; Cezar P. Consing, presidente ng Bankers Association of the Philippines; at Cecilio ‘Paul’ D. San Pedro, pangulo ng Chamber of Thrift Banks. Sinabi ni Yague na, “Our member companies and affiliated bus companies have modernized our buses since 2013 in line with the government plan to modernize the bus transport system, hence the high level of loans by our members from banks, and financing institutions, which are members of your groups,” panawagan ni Yague. Idinagdag ni Yague na ang mga provincial bus ay hindi pinahihintulutang makapag-operate simula pa noong Marso noong nakaraang taon. Ayon kay Yague, sa kabila na pinahihintulutan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagbubukas ng ilang provincvial routes, ang mga pasahero ay minimal dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng Inter-Agency Task Force (IATF) at ng local government units ng health and safety protocols. Malaki ang paniniwala ni Yague na kung mabibigyan ng katugunan ang kanilang kahilingang moratorium ay makatitiyak ng survival and recovery sa mga apektadong bus operator and the provincial bus industry bilang pangkalahatan. Sinabi ni Yague na kailangan nilang ma-restructure ang lahat ng bus company loans upang maka-survive sila sa economic crisis dulot ng COVID-19 pandemic. Kailangan, aniya, na magbukas pa ng maraming provincial bus routes upang muling sumigla ang ating ekonomiya at ipinangako naman nito na buong pagsisikap nilang susundin ang lahat ng safety protocols na ipinatutupad ng pamahalaan.
LAGING TATANDAAN: UMIWAS SA AKSIDENTE UPANG BUHAY AY BUMUTI.
HAPPY MOTORING. STAY SAFE ALWAYS!
Comments are closed.