MGA NAKAREKOBER SA COVID-19 NANANATILING MATAAS

DOH

MAYNILA- MAHIGIT isandaang pasyente ang panibagong nadagdag sa recoveries o gumaling mula sa coronavirus disease (COVID-19).

Ito ay nang maitala ng Department of Health (DOH) ng 116 bilang ng mga pasyente na nakarekober mula sa sakit.

Dahil rito, umakyat na ngayon sa 1,734 ang bilang ng mga nakarekober mula sa COVID-19 dito sa bansa.

Gayunman, iniulat din ng DOH na lumobo pa sa 10,463 ang bilang ng naitalang COVID-19 cases sa bansa.

Ayon sa DOH, ito ay matapos silang makapagtala ng 120 bagong kaso ng virus infection sa nakalipas na 24 oras.

Batay sa Case Bulletin #55, nabatid na ang 70% o 84 bagong kaso ay mula sa National Capital Region (NCR), habang ang 23% o 28 na kaso ay mula sa Region 7, habang ang 7% o 8 na kaso ay mula sa iba pang lugar sa bansa.

May 11 naman na naiulat na bagong nasawi mula sa virus sanhi upang umabot na ngayon sa 696 ang bilang ng nasawi dahil sa COVID-19. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.