MGA NAKUMPISKANG DE LATA, PROSESONG KARNE MULA SA ASF NA BANSA SINIRA

DE LATA-ASF

ILOILO CITY— SINIRA ng mga awtoridad ang mga de lata at mga prosesong karne na nakumpiska nila sa mga dumating na pasahero sa dalawang international airports sa Panay, na pinaniniwalaang nanggaling sa mga bansang may outbreak  ng African Swine Flu (ASF) virus.

Sa isang panayam kay Dr. John Rhoel Hilario, Regional Veterinary Quarantine Officer of Veterinary Quarantine Region 6 (Western Visayas), kamakailan,  kinumpirma niya na  244 piraso ng canned pork meat kasama ang ilang sariwa at prosesong  karne  na nakumpiska ay ibinaon sa isang dumpsite sa bayan  ng Caba­tuan, Iloilo.

Ang mga ito ay nakumpiska nila sa mga pasaherong dumating galing Hong Kong.

“Hong Kong as you know is one of the areas experiencing an outbreak of African Swine Flu,” sabi niya.

Ang mga nakumpiskang produkto ay hindi naman mismong dala ng mga dumating na overseas Filipino workers (OFWs) kundi maging sa mga turista. Sinabi niya na ang mga Asyano kasama ang mga Pinoy, ay nakikibahagi sa kultura ng pagdadala ng   “pasalubong” o regalo.

Higit pa rito, may i­lang  118.45 kilograms ng karne ang produkto nito na nakumpiska sa mga pasaherong dumating sa Kalibo International Airport ang ipinatapon  din sa Aklan na ginawa sa pamamagitan ng pagsunog, pagbabaon na isinagawa ng  Veterinary Quarantine- Kalibo International Airport Station, Office of the Aklan Provincial Veterinarian, local government unit ng Kalibo at ng  Bureau of Customs.

Ang mga produkto ay nakumpiska nitong buong buwan ng Mayo. Dagdag pa ni Hilario na  bukod sa istriktong monitoring na ginagawa sa mga airport, mino-monitor din nila ang ilang ports of entries.

“We are also doing domestic monitoring. More than outgoing, we are very particular with the incoming because these are the real risk for our local animal industry. We are very strict when it comes to incoming products,” sabi niya.

Sa Caticlan Jetty Port in Aklan, sinabi niya na ang ginawang pagkum­piska ay hindi ginawa para sa animal products and by-products kundi sa buhay na hayop lalo  a na naging  outbreak ng bird flu sa Luzon.

“The Caticlan Jetty Port is on guard when it comes to incoming commodities,” sabi niya.

Pinuri rin niya ang airline companies, na ayon sa kanya, ay nakikiisa pagdating sa pag- transport ng karne at mga produkto nito.  Ipinaliwanag ni Hilario na kahit na ang mga pagkaing galing sa mga lugar na may ASF ay napro­seso, naroon pa rin ang pa­nganib na dala nito.

“Regardless of the size of meat or of the processed meat, as long as it is infected, it still has the capacity to affect an area,” sabi niya.

Dagdag pa niya na kahit ang pagkain ng mga karne o produkto nito na apektado ng ASF ay hindi mapanganib sa tao, dahil ang sakit ay para lamang sa mga baboy pero  “ang karne na kontaminado ng virus o kahit anong mapanganib na elemento ay nararapat na sirain at hindi nararapat para sa pagkain ng mga tao.” PNA

Comments are closed.