UMAPELA si Deputy Speaker at Davao City Rep. Paolo Duterte sa Bureau of Customs (BOC) na i-donate na lamang ang mga nakumpiska at abandonadong kargamento sa mga pier na naglalaman ng pagkain para makatulong sa mga nangangailangan ngayong may COVID-19 crisis.
Hiling ni Cong. Duterte, makipag-ugnayan ang BOC sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para maisaayos ang release at turnover ng mga kargamento na naglalaman ng mga pagkain.
Ayon kay Cong. Duterte, napag-alaman niyang may halos 100 hanggang 300 containers ng bigas at 100 hanggang 300 containers din ng tuyong isda ang maaaring i-turn over sa gobyerno bilang donasyon.
Kailangan aniyang maipamahagi na ito sa mga pamilya sa lalong madaling panahon upang hindi masayang.
Sinabi pa ng kongresista na win-win solution ito dahil bukod sa mabibigyan ng pagkain ang mga tao, mapaluluwag din ang mga pantalan at magkakaroon ng lugar para sa mga parating na kargamento. CONDE BATAC
Comments are closed.