MGA NANALONG ALKALDE SA METRO NAIPROKLAMA NA

MANILA
PORMAL nang iprinoklama bilang alkalde ng lungsod ng Maynila si incumbent Manila City Vice Mayor Honey Lacuna.
Ito ay matapos makapagtala ng 503,492 votes sa katunggali nitong si Alex Lopez na mayroong 156,431 votes.
Wagi rin ang running mate nitong si Yul Servo Nieto sa pagka-bise alkalde kung saan nakakuha ito ng 548,576 votes kumpara sa katunggali nito na si Raymond Bagatsing na mayroon lamang 171,382 votes.
Nagpasalamat si Manila Mayor-elect Honey Lacuna, ang kauna-unahang babaeng alkalde ng kapitolyo ng Pilipinas sa kanyang mga taga suporta, volunteer groups, members ng media at vloggers sa kanilang tulong upang pagwagian ang botohan nang may napakalaking kalamang sa kahit pa pagsama samahin ang pa ang boto ng kanyang mga katungali. VERLIN RUIZ

PASAY CITY
DAHIL sa ipinagkaloob na tiwala ng mga residente ay muling nakamit ni incumbent Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ang matamis na pagkapanalo ng kanyang ikalawang termino bilang alkalde ng lungsod sa ginanap na local at national 2022 nitong Mayo 9.
Maliban sa isang kandidatong konsehal sa District 2 sa ilalim ng Team Calixto ay iprinoklama na rin ni Commission on Elections (Comelec) officer Atty. Ronald Santiago ang mga nagwaging kandidato na pinangunahan ni Calixto-Rubiano sa katatapos lamang na local at national elections nitong Mayo 9 na ginanap sa Cuneta Astrodome.
Dinomina ni Calixto-Rubiano ang laban sa pagka-mayor kung saan nakakuha siya ng kabuuang 141,382 boto laban sa kanyang katunggali na si dating konsehal Richard Advincula na nakauha naman ng boto na 29,490.
Sa vice mayoralty race ay nanalo ang ka-tandem ni Calixto Rubiano na si Boyet Ding Del Rosario na nakakuha ng 129,817 boto laban kay dating city administrator noong panahon ni Mayor Peewee Trinidad na si Atty. Tina Bernabe-Carbajal.
Nagwagi naman ng kanyang ikalawang termino bilang representante ng lungsod si Congressman Tony Calixto na may nakalap na kabuuang 154,003 na boto kumpara naman sa 19,067 boto na nakuha ng kanyang katunggali na sa Choy Alas.
Ang mga nanalo namang konsehal sa District 1 ay sina Councilors Mark Calixto, Grace Santos, Marlon Pesebre, Tonya Cuneta, Ambet Alvina at Ding Santos habang ang mga nagwaging konsehal naman sa District 2 ay sina Joey Calixto Isidro, Wowee Manguerra, Donna Vendivel, Allan Jen Panaligan, Allo Arceo na anak ni Moti Arceo at ang bagong halal na si Khen Magat na naungusan si Padua Zeng La Torre na nasa partido ng Team Calixto. MARIVIC FERNANDEZ

PARAÑAQUE
IPRINOKLAMA na si Parañaque City Rep. Eric Olivarez bilang bagong mayor ng lungsod na pumalit sa kanyang nakatatadang kapatid na si Mayor Edwin Olivarez na nanalo rin bilang congressman ng unang distrito ng lungsod.
Si Olivarez ay nakakuha ng kabuuang 174,816 boto laban sa kanyang katunggali na si Baclaran Barangay chairman Jun Zaide na nakakuha naman ng 64,263 boto para sa mayoralty race.
Nasilat naman sa pagka-vice mayor ang kapartido ng magkapatid na Olivarez at pambato ng Team Sulong Bagong Parañaque na si Coach Binky Favis na nakakuha lamang ng 89,131 boto laban sa nanalong kandidato at uupong bagong vice mayor na si Councilor Joan Villafuerte na mayroong 102,760 boto.
Ang magkapatid na Olivarez kabilang ang bagong halal na representante ng ikalawang distrito ng lungsod na si Gus Tambunting pati na rin ang iba pang mga nagwaging konsehal ng Commission on Elections (Comelec) officers Atty. Nesrin Cali at Atty. Mario Esguerra ay naiprokalama dakong ala-1:30 ng hapon sa Pa­ranaque Sports Complex. MARIVIC FERNANDEZ

LAS PIÑAS
IPRINOKLAMA na ng Las Pinas City Commission of Elections (Comelec) si incumbent City Mayor Imelda ‘Mel’ Aguilar matapos magwagi para sa kanyang ikatlo at huling termino bilang alkalde ng lungsod sa pagsasagawa ng katatapos lamang na national at local election.
Si Aguilar ay nakakuha ng kabuuang 108,644 ng boto na siyang nagbigay daan sa kanyang pagwawagi bilang mayor ng lungsod.
Kasabay nito ay iprinoklama din ang anak na babae ni Mayor Aguilar na si Vice-Mayor April Aguilar para naman sa kanyang ikalawang termino kung saan siya nakakuha ng mataas ding boto na 123,457.
Pinangunahan ni Comelec officer Atty. Eli Aringay ang pagpoproklama sa mag-inang Aguilar bilang mayor at vice-mayor gayundin sa kanilang mga kapartidong konsehal na nagwagi sa katatapos lamang na eleksyon na ginanap sa Las Piñas Session hall. MARIVIC FERNANDEZ

NAVOTAS CITY
BINIGYAN ng mga botante ng Navotas ang Partido Navoteño ng landslide victory sa katatapos lamang na halalan.
Prinoklama ng Commission on Election City Board of Canvassers kahapon ng alas-4:05 ng umaga ang newly-elected congressman, mayor, vice mayor at mga konsehal ng lungsod.
Nanguna si Mayor Toby Tiangco sa congressional race na may 79,505 votes habang si Congressman John Rey Tiangco dominated the mayoral bid na may 80,908 votes.
Si Mayor Tiangco, kasama ang congressman at iba pang Partido Navoteño, ay humarap sa kanilang constituents sa pamamagitan ng Facebook Live kasunod ng kanilang proklamasyon.
Nanguna rin si first-time vice mayoral Coun. Tito Sanchez sa local elections na may 84,065 votes.
EVELYN GARCIA

MARIKINA CITY
MULING nanalo bilang alkalde ng Marikina City si Mayor Marcy Teodoro na umani ng 183,878 votes.
Samantala si Cong­ressman Bayani Fernando ay nakakuha lamang ng 40,149 votes.
Habang ang maybahay naman ni Teodoro na si Maan ay nagwagi bilang congressional race sa 1st District ng Marikina na nakakuha ng 68,572 votes.
Nagwagi rin ang Vice Mayor ni Teodoro na si Marion Andres.
Samantala, natanggap ng Comelec-Marikina’s Electoral Board (EB) o election returns (ERs) dakong ala-5:30 ng umaga kahapon kung saan ay idineklara na ang final at official results.
ELMA MORALES