MGA NANALONG SENADOR AT PARTY-LIST SABAY NA IPOPROKLAMA — COMELEC

COMELEC-2

NAIS ng Commission on Elections (Comelec) na pagsabayin ang proklamasyon para sa lahat ng mga nanalong kandidato sa pagka-senador gayundin sa mga party-list group.

Gayupaman, nilinaw ni Comelec Spokesman Dir. James Jimenez na hindi pa pinal ang kanilang pasya hinggil dito at hindi pa rin napaplantsa ang kanilang schedule.

Paliwanag ni Jimenez, kailangan pa ka­sing kuwentahin ang boto para sa mga party-list group para matukoy kung ilang posisyon ang ilalaan sa ka-nila sa Kongreso.

Ang Comelec ang umuupo bilang National Board of Canvassers (NBOC) na siyang nagbibilang ng boto mula sa Philippine International Conven-tion Center (PICC) sa Pasay City.

Samantala, halos tapos na ang isinagawang canvassing ng mga boto para sa senatorial at party-list race.

Ani Jimenez, 20 na lamang mula sa kabuuang 167 Certificates of Canvass (COC) ang isinasailalim sa canvassing ng mga miyembro ng NBOC.

Nabatid na dakong alas-2 ng hapon nang muling simulan ng NBOC ang canvassing nitong Sabado, Mayo 18, at kapag naita-transmit na ang lahat ng 20 natitirang COC ay tiyak na mailalabas ang resulta ng mga nanalo.

Sa pinakahuling tally na inilabas ng NBOC, mahirap pa ring matibag sa Top 3 sina Senators Cynthia Villar at Grace Poe at gayundin si dating Spe-cial Assistant to the President (SAP) Secretary Christopher ‘Bong’ Go, habang malayo pa rin ang agwat ng Anti-Crime and Terrorism – Community Involvement and Support  (ACT-CIS) party-list sa mga katunggali nitong grupo.

Nakakuha si Villar ng botong 23,610,580; habang si Poe, ay mayroong  20,711,849 votes, at si Go naman ay may botong 19,030,884.

Bukod sa kanila, kabilang rin sa Magic 12 sina Pia Cayetano (18,550,012); Ronald Dela Rosa (17,567,258); Sonny Angara (17,027,333); Lito Lapid (15,778,223); Imee Marcos (14,775,948); Francis Tolentino (14,387,602); Koko Pimentel (13,563,083); Nancy Binay (13,453,117) at Bong Re-villa (13,442,578)

Samantala, nakakuha naman ang ACT-CIS, na iniendorso ng media personality na si Erwin Tulfo, ng botong 2,487,362 boto o mahigit 9%, o ma-higit isang milyong botong lamang laban sa kasunod nitong Bayan Muna na may 1,065,833 votes at Ako Bicol party-list na mayroon namang 1,038,006 boto.

Kabilang rin sa Top 10 nangungunang party-list groups ang Cibac (896,571 votes); Ang Probinsyano  (713,710); 1Pacman (678,749); Probinayano Ako (588,682); Marino (570,101); Senior Citizens (489,625); at Magsasaka (464,197).

Nabatid na kinakailangan ng isang party-list group na makakuha ng may dalawang porsiyento ng kabuuang party-list votes upang makakuha ng puwesto sa mababang kapulungan ng Kongreso, at karagdagang 2% pa, upang magkaroon ng karagdagan pang puwesto.

Napaulat na rin na posibleng magkaroon na ng proklamasyon ng mga mananalong kandidato sa pagka-senador dakong 4:00 ng hapon, ngayong Linggo, ngunit nilinaw ni Jimenez, na wala pa silang inilalabas na pormal na anunsiyo hinggil dito.

Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pa rin namang anunsiyo ang Comelec kung matutuloy ang naturang proklamas­yon. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.