MGA NASIRANG CORAL REEFS INAAYOS NA NG CHINA

coral reefs

SINIMULAN na ng China ang pagsasaayos sa mga nasirang coral reef nang maglagay sila ng mga artipisyal na isla sa bahagi ng karagatang sakop ng Filipinas sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.

Batay sa ulat ng pahayagan ng China na Global Times, nagsimula nang mag-operate ang itinayo nilang ecological conversation at restoration facilities sa Kagitingan Reef o Fiery Cross Reef, Zamora o Subic Reef at Panganiban o Mischief Reef.

Sinabi ng Chinese Ministry of Natural Resources, layunin ng pasilidad na maibalik sa dating ecological environment ang South China Sea.

Gayundin ang pagpapalakas sa pagbibigay proteksiyon dito.

Magugunita, sa ruling ng Permanent Court of Arbitration sa the Hague noong 2016 hinggil sa inihaing protesta ng Filipinas, binigyang diin ang ma­tinding pinsala sa coral reef environment na idinulot ng malawakang reclamation activity at paglalagay ng arti­pisyal na isla ng China sa South China Sea.

DWIZ 882

Comments are closed.