MGA NATATANGING SUNDALO NA LUMABAN SA MARAWI SIEGE PINARANGALAN

MARAWI

ISABELA-BINIGYAN ng pagkilala ang mga natatanging sundalo kabilang ang mga lu­maban sa Marawi City sa katatapos na 37th founding Anniversary ng 5th Infantry  (STAR) Division na ginanap sa Grandstand ng Camp Melchor Upi, Gamu na may temang “5th ID Moving Toward Perfection at 37”.

Natatanging pinagkalooban ng gold cross medal si PFC Macnair Rejilyana ng Philippine Army.

Nakipaglaban siya sa Marawi City kasama ng kaniyang tropa kung saan nakapatay sila ng walong  terorista, nakarekober ng mga matataas na uri ng baril at iba’t ibang uri ng IEDs at mga bala.

Sinabi ni Rejilyana na nahirapan sila noong una dahil magagaling ang mga kalaban ngunit pinag-aralan umano nilang mabuti ang galaw ng mga kalaban upang tuluyan nilang matalo kung saan naging mabisa ang pagtitiwala nila sa Panginoon kaya nakauwi sila sa kanilang pamilya habang nasa 200 na katropa nila ay nasawi.

Kabilang sa pinara­ngalan ang mga outstanding partners sa taong kasalukuyan ay sina Atty. Efren M. Beleno,  Dr. Regina D. Munda Cruz, Hon. Marilou N. Sanchez, punong bayan ng San Gueliermo, Isabela, Mr. Gary S.Tubban, Mr. Marcelo B. Lihgawon at si P/Senior Supt. Gregory B. Bonalbal, PNP Provincial Director ng Quirino.

Naging panauhing pandangal sina Lt. General Rolando Joselito Bautista, ang Commanding General ng Philippine Army, Major General Perfecto Rimando Jr, ang Commander ng 5th ID, P/Senior Supt. Mariano Rodriguez, ang Isabe­la Provincial Director, Quirino Provincial Director, mga kasapi ng militar at pulis. IRENE GONZALES

 

3 thoughts on “MGA NATATANGING SUNDALO NA LUMABAN SA MARAWI SIEGE PINARANGALAN”

  1. 740887 656082There couple of fascinating points at some point in this posting but I dont determine if these individuals center to heart. There is some validity but Let me take hold opinion until I check into it further. Fantastic write-up , thanks and then we want much more! Combined with FeedBurner in addition 920888

Comments are closed.