HINIKAYAT ni Information and Communications Tehcnology Secretary Ivan John E. Uy ang mga negosyante sa lungsod Quezon na gumamit na ng mga teknologiya na may Artificial Intelligence (AI) at digitalization bilang bahagi ng kinakailangang pagsabay sa pagbabago sa takbo ng panahon ngayon at inobasyon na kinakailangan para makatulong sa paglago ng ekonomiya ng bansa at upang hindi mapag iwanan ang Pilipinas.
“Innovation is the driving force behind progress. In the context of the future of work, it involves embracing emerging technologies such as artificial intelligence and reimagining traditional processes,” sambit ni Uy sa kanyang mensahe sa naganap na kauna unahang Future of Work Summit na ginanap ngayong Disyembre 2 at 3, na dinaluhan ng mahigit kumulang 500 business leaders, safety officers, at mga negosyante sa lungsod Quezon.
Sentro sa naging usapan sa naturang summit na may temang “INNOVATE. ADAPT.THRIVE: The Quezon City Future of Work Conference 2023,” ang kahalagahan ng paggamit ng AI, digitalization ng mga pribado at pampublikong tanggapan,at mga istratehiya at “best practices” sa isang inclusive, resilient at sustainable na workplace environments.
“Our department is committed to supporting businesses and local government units as they “traverse the digital transformation journey .We also recognize Quezon City Mayor Joy Belmonte for leading the way for businesses in the city to navigate the transformative path of the future of work,”ayon kay Uy.
“Let this conference serve not only as a moment of reflection on the dynamic landscape of business and technology but as a call to action, innovate with purpose, adapt to change and thrive in the future of work,” dagdag ni Uy.
“Let us work closely with the Quezon City government to craft a vision so we can embrace a future where innovation knows no bounds, resilience becomes our strength, and that responsibility and accountability are fundamental.A related challenge for all stakeholders is empowering our workforce to adapt to the fourth industrial revolution. We will learn how to maximize our workforce through investments in education as well as retooling and upskilling and to support them better both mentally and physically as they navigate through unfamiliar territory in order to adjust to changing times,” sabi ni Quezon City Mayor Josefina “Joy: Belmonte.
Samantala, itinanghal ang Quezon City bilang “ the Most Bicycle-Friendly City” kung saan ay nabigyan ito ng Gold Award at rank first sa lahat ng lungsod sa buong bansa.
MA. LUISA GARCIA