MGA NEGOSYO ‘DI KAILANGANG MAGSARA KUNG MAY EMPLEYADO NA MAY COVID-19 —DTI

DTI-LOGO-3

HINDI naman kailangang magsara o ipatigil ang operasyon ng mga negosyo na may empleyado na tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).

Sinabi ni DTI Sec. Ramon Lopez na  kung mayroon mang empleyado ang isang kompanya na  nagpositibo sa COVID-19 ay kailangan na agad na magpatupad ng santitation at disinfection.

Aniya, dapat ding agad na pauwiin at isailalim sa quarantine ang mga nakasalumuha nito.

Binigyang-diin din ni Lopez na tanging ang mga empleyado lamang na may  sintomas ng COVID-19 at mga nakasalumuha ng COVID-19 patients ang maaaring isailalim sa COVID-19 test.

Awtomatiko aniyang itinuturing na ‘suspected’ ang mga indibidwal na may sintomas ng COVID-19 at ang mga nakasalamuha ng mga nagpositibo sa sakit kaya maaari silang dalhin sa PCR testing facilities.

Sinabi pa ni Lopez na dapat sagutin ng kompanya  ang gastusin sa pagsailalim ng mga empleyado sa COVID-19 test sa pamamagitan ng mga health insurance. ASHLEY JOSE (DWIZ)

Comments are closed.