INAASAHANG lalaganap ang mga network ng hub ng mga advance na oncology clinic sa Metro Manila para mas madali at mapalapit sa mga kinaroroonan ng mga pasyente ng cancer ang pagpakonsulta at pagpapagamot saan mang panig ng Kalakhang Maynila sila naninirahan.
Ang mga hub na ito na gagamit ng mga advance na teknolohiya ng mga anti-cancer treatment na tinaguriang “hub-and-spoke”model ay bunga ng naging kasunduan sa pagitan ng Ayala Healthcare Holdings o AC Health at Varian Medical Systems Netherlands sa isang Memorandum of Agreement na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos, Jr. na sinaksihan naman ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez habang nasa Summit sa Amerika ang mga ito nitong nakaraang linggo.
Sinabi ni Romualdez na sa taon pa lamang na ito, naitala na ikatlo ang cancer sa pangunahing dahilan ng pagkamatay ng mga Pilipino. Ngayong 2023 umabot na sa141,021 ang bagong kaso ng mga cancer, at umaabot naman sa halos 86,337 kaso ng cancer kada taon.
Ang mga naturang mga kompanya ay magsasagawa rin ng mga inobasyon, mga pagsasaliksik, mas madali at mas komprehensibong cancer care treatment sa mga pasyente, sabi ni Romualdez.
Ang Healthway Care Hospital sa ilalim ng AC Health ang magbibigay ng mga network ng mga hub ng mga oncology clinics o hub-and-spoke model kung saan isasagawa ang mga makabagong paraan ng panggagamot ng mga pasyente ng cancer,kabilang na ang pag-diagnose, prevention at treatment.
MA. LUISA GARCIA