HONG KONG – NAG-USAP-USAP ang mga overseas Filipino worker sa Chinese territory kasunod ng ulat na sasampa sa 50 katao ang nasawi bunsod ng pananalsa ng Bagyong Usman sa Eastern Visayas at mga lalawigan ng Bicol region kasama na rin ang Mindoro.
Sa ulat, agad tumawag sa Filipinas ang mga OFW at kinukumusta ang kanilang mahal sa buhay.
Pawang nangangamba umano ang mga OFW lalo na’t hindi nila makontak ang kanilang tinatawagan.
Hindi lang sa Hong Kong, kundi ang mga manggagawang Pinoy sa Saudi Arabia, Kuwait, UAE, Canada at Estados Unidos ay nagbabalitaan hinggil sa nangyaring kalamidad na pinuntirya ang Bicol region.
Umaasa ang mga ito na ligtas ang kanilang mga pamilya sa bansa. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.