HONG KONG – KAHIT pa sanay na sa pagtama ng bagyo at masungit na panahon, marami pa ring overseas Filipino worker ang nahintakutan nang tumama sa nasabing Chinese territory ang Typhoon Mangkhut.
Isang taga-Pangasinan ang nagsabi na natakot sila dahil gumagalaw ang mga gusali kung saan sila nakatira.
Gayunman, kahanga-hanga ang mga residente roon dahil alam ang gagawin at agad silang pinadapa upang hindi madisgrasya.
Nagpapasalamat din ang mga Pinay domestic helper dahil mababait ang kanilang amo na iniisip ang kanilang kapakanan.
Mahigpit umano ang babala ng kanilang mga amo na manatili lamang sa loob ng bahay at huwag la-labas. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.