PASAY CITY – BAGAMAN kaunti lamang ang Filipino sa Colombo, Sri Lanka, pinag-iingat pa rin ang mga ito ng Department of Foreign Affairs (DFA) kasunod ng pasabog ng mga bomba na naka-target sa tatlong Catholic church at maging sa five star hotels na nakabase sa Colombo.
Sa panayam, inihayag ng overseas Filipino worker na si Lorna Hettiarachy, nakapag-asawa ng Sri Lankan, na bagama’t hindi naglabas ng kautusan ang gobyerno subalit kusang hindi pumasok sa mga trabaho ang mga empleyado dahil sa sobrang peligro sa mga pampublikong lugar.
Sinabi ni Hettiarachy na nasa 10 porsiyento lamang ng mga empleyado ang pumasok dahil ang karamihan ay namamalagi muna sa bahay upang matiyak ang kaligtasan.
Inihayag pa nito na maliban sa mga sumabog na bomba sa Saint Anthony, Saint Sebastian, at Saint Zion Catholic Churches gayundin sa tatlong five star hotels, nakakalat pa ang ibang mga eksplosibo kaya delikado sa seguridad ng mga sibilyan.
Katunayan, sinuspinde rin ng gobyerno ang buong klase ng elementarya hanggang sa mga uni-bersidad. GELO BAIÑO
Comments are closed.