MGA OPISYAL NG DND-NDRRMC IPINATAWAG NI SGMA

SGMA

IPINATAWAG ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang mga opisyal ng National Disaster Risk Reduction Management Council para magbigay ng briefing sa iniwang pinsala ng mga nakalipas na kalamidad.

Layunin ng pagpapatawag sa mga tauhan ng NDRRMC ay upang matukoy nila kung anong mga distrito ang lubhang naapektuhan ng sunod-sunod na pag-uulan.

Bukod dito, kaila­ngan ng briefing upang mabatid kung anong tulong ang ibibigay sa mga biktima.

Sa ngayon ayon kay Arroyo, sampung distrito na ang kanilang natukoy kabilang na ang lalawigan ng Bataan, Pangasinan, Zambales at Rizal na lubhang napinsala ng mga nagdaang bagyo at hagupit ng habagat.

Sinabi nito na magbibigay sila ng relief at medical aid.

Samanta nagwakas na ang ginanap na National Disaster Resilience Month (NDRM) 2018 sa  NDRRMC Operations Center, Camp General Emilio Aguinaldo, Quezon City sa pamamagitan ng isang simpleng closing ceremony na pinangunahan ng Office of Civil Defense.

Tampok sa nasabing pagdiriwang ang inilunsad na nationwide contests na patungkol sa paggunita ng NDRM ngayong taon na may temang, “KATATAGAN Sa KALAMIDAD: Makakamtan Kapag Sapat ang Kaalaman sa Kahandaan”.

Pinangunahan ni DND Undersecretary of National Defense Cardozo M. Luna ang kaganapan bilang guest of honor and speaker.  VERLIN RUIZ

Comments are closed.