MGA OPISYAL SA LAGUNA UMANIB SA PDP LABAN

PDP LABAN

LAGUNA – MULA sa iba’t ibang Partido na kinaaaniban ng mga lokal na opisyal sa lalawigan ng Laguna, magkakasamang umanib ang mga ito sa Partido ng Demokratikong Pilipino Lakas ng Ba­yan (PDP LABAN) sa idinaos na Basic Membership Seminar and Provincial Assembly sa lungsod ng Calamba kamaka­lawa ng umaga.

Bilang paghahanda, aniya, ito sa nalalapit na halalan sa dara­ting na buwan ng Mayo taong 2019.

Sa harap nina Special Assistant to the President (SAP) Cristopher Bong Go, (tumayo bilang Guest of Honor and Speaker), Laguna Governor Ramil Hernandez at PDP LABAN Regional Chairman Ephraim Genuino, magkakasabay na nanumpa ang mga bagong miyembro na nagmula sa apat na distrito ng Laguna.

Inaasahan aniya ng mga ito ang kanilang pagkapanalo sa darating na halalan sa ilalim ng naturang partido.

Samantala, mariin namang itinanggi ni Go sa harap ng mi­yembro ng media na wala aniya siyang planong tumakbo bilang senador sa darating na halalan, pawang serbisyo na lamang sa mamamayan ang pagtutu­unan niya at kanyang gagawin.

Bukod aniya dito ang pinaplanong magandang proyekto na “Malasakit Center” na magsisilbing one stop shop sa Laguna para mapadali ang mga kailangan ng mga mamamayan sa PCSO, PAGCOR, SSS, PHILHEALTH, DSWD at DOH.

Prayoridad din nito ang mga senior citizen at person with disability (PWD) para hindi na pumila pa at mapadali ang kanilang mga kailangan kung saan ang Malasakit Center lamang ang magpo-proseso ng lahat ng ito.

Hindi na rin aniya kaila­ngan pa ang mga requirement o ano mang ID basta ang kaila­ngan lamang dito ay bilang isang mamamayang Filipino.

Dumalo rin sa naturang pagtitipon sina Laguna 2nd District Cong. Joacquin Chipeco, 3rd District Congw. Sol Aragones at iba pang Incumbent Cities/Municipal Mayors at kanilang Sangguniang Bayan.     DICK GARAY

Comments are closed.