(Mga ordinaryong motorista huwag puntiryahin) THREE-STRIKE POLICY NG TRB INALMAHAN

Wes Gatchalian

KINASTIGO ng isang Metro Manila lawmaker ang  nais na ipatupad ng Toll Regulatory Board (TRB) na ‘three-strike policy’ o pagpapataw ng parusa sa mga motorista na sa ikatlong pagkakataon ay pumasok sa expressway na walang sapat na load ang gamit na Radio-Frequency Identification (RFID) sticker.

Ayon kay Deputy Speaker for Trade and Industry at Valenzuela City Rep. Wes Gatchalian, bago puntiryahin ng TRB ang mga ordinaryo at regular na biyahero sa iba’t ibang tollways, unahin munang papanagutin ang concessionaire o operator na sumablay sa pagpapatupad ng ‘cashless toll payments’.

Partiikular niyang tinukoy ang tagapamahala ng North Luzon Expressway (NLE’X) at Easytrip RFID na inulan ng mga reklamo dahil sa palpak na RFID system nito..

“Why should we penalize motorists who use the tollways to travel when the toll operators are getting away scot-free de-spite bungling the implementation of the cashless toll payment system?” tanong ng mambabatas.

“To date, no fine has ever been imposed on the toll operators despite the numerous issues we have identified in the implementation of the RFID system during the last hearing of the House Committee on Metro Manila Development on January 19,” dagdag pa niya.

Magugunita na mismong si Mayor Rex Gatchalian at ang Valenzuela City government ang tumugon sa inaalmahang pamamalakad ng NLEX toll operator,  partikular ang depektibong RFID reader gadgets ng huli, na nagresulta sa matinding traffic sa naturang lungsod at pagsuspinde sa business permit nito.

Ayon sa Valenzuela City lawmaker, dapat unahin muna ng TRB na ayusin ang interoperability ng RFID systems ng Easytrip at Autosweep, operator ng SLEX, TPLEX, NAIAX, bago magpatupad ng anumang paghihigpit sa mga motorista patungkol sa implementasyon ng cashless toll payment scheme. ROMER R. BUTUYAN

Comments are closed.