MGA OSPITAL SA CAR NASA HIGH RISK NA

CORDILLERA-INILAGAY na sa high risk full capacity status ang mga ospital sa anim na lalawigan ng highland region o Cordillera Administrative Region (CAR) noong Sabado.

Kinumpirma ng Department of Health (DOH)-Cordillera na ang Hospital Care Utilization Rate (HCUR) ay isinailalim na sa high risk na may overall occupancy rate na 74.24%.

Base sa tala ng DOH- Cordillera, nasa ilalim ng critical risk ang mga ospital sa lalawigan ng Apayao na may 100% occupancy rate; Baguio City na may 85.81%; Benguet na 85.16 % occupancy rate at ang lalawigan ng Ifugao na nasa 92% full capacity status.

Maging ang ospital sa Mountain Province ay nasa 84.62% occupancy rate kaya isinailalim sa high risk status habang ang mga ospital sa Abra ay may 14.29% lamang at sa Kalinga naman ay umabot na sa 57.81% occupancy rates na low risk status.

Sa paliwanag ng DOH-Cordillera, ang Hospital Care Utilization Rate (HCUR) ay base lamang sa bilang ng available at occupied beds ng COVID-19 patients at hindi full bed capacity ng ospital at infirmaries.

Sa ilalim ng IATF guidelines, government hospitals ay maaring mag-allocate ng 30% bed capacity habang ang private health facilities ay maaaring mag-allocate ng 20% ng bed capacity para sa pasyenteng may COVID-19. MHAR BASCO

Comments are closed.