MGA PAGBABAGO SA NAKASANAYANG ISTILO NG PAGGAWA

PUSONG PANALO

(Pagpapatuloy…)

MAS madali ring pagsama-samahin ang mga tao dahil online na ang mga pagtitipon ngayon. Kahit yaong mga nakatira sa ibayong dagat ay madaling nakakasali sa mga pag-uusap at kolaborasyon. Nagiging mas malinaw at matatag din ang linya ng komunikasyon sa pagitan ng mga empleyado at management. Halimbawa, sa opisina ng HP, direktang nakakausap ng mga manggagawa ang kanilang CEO na si Enrique Lores sa pamamagitan ng series na “Connect with Enrique”. Napansin din ng ibang mga lider na mas madaling nakakapagpahayag ang ilang mga indibidwal dahil online lamang ang usapan. Dahil dito, bumubuti rin ang kanilang pangkalahatang pagganap ng kanilang tungkulin.

Isang terminong ginagamit sa ngayon ay ang TBW, o ang tinatawag na trust-based working. Sa TBW, tinitignan ng mga pinuno ang output o produksiyon ng isang empleyado imbes na bantayan ang bilang ng oras na ginugol para matapos ang isang gawain. Mas malayang pumili ang mga manggagawa ng paraan kung paano nila tatapusin ang nakaatas, at kung saan nila ito gagawin basta’t matapos ito sa oras at maabot ang kalidad na inaasahan. Kailangan ng malinaw na pang-unawa ng layunin at ekspektasyon, pati na ng mahigpit na pananagot sa usapin ng kalidad at pagsasakatuparan ng tunguhin sa takdang panahon.

Medyo malaki ang hahabulin ng mga sistema o proseso at mga pinunong tradisyunal upang makasabay sa mga mabibilis na pagbabagong nagaganap sa mundo ng paggawa. Ang pagiging flexible, bukas sa pagbabago, pakikibagay, at kaunting pakikipagsapalaran ay mga sangkap na kinakailangan upang masiguro ang tagumpay sa larangan ng paggawa sa bagong panahon matapos ang pandemya.

7 thoughts on “MGA PAGBABAGO SA NAKASANAYANG ISTILO NG PAGGAWA”

  1. 310229 374495Basically received my very first cavity. Rather devastating. I would like a super smile. Searching a great deal much more choices. Numerous thanks for the write-up 684358

  2. 881015 394277Aw, it was an incredibly very good post. In thought I would like to set up writing comparable to this furthermore – taking time and actual effort to create a quite excellent article but exactly what do I say I procrastinate alot and also no means manage to go done. 914279

  3. 964656 150093This is a proper weblog for would like to uncover out about this subject. You realize a great deal its almost challenging to argue along (not that I personally would wantHaHa). You truly put the latest spin with a topic thats been discussed for a long time. Amazing stuff, just fantastic! 490018

  4. 592855 384600Hey! Im at function surfing about your blog from my new apple iphone! Just wanted to say I really like reading by means of your weblog and look forward to all your posts! Keep up the outstanding function! 158156

Comments are closed.