MATAPOS ang tagumpay na resulta ng IFEX Philippines NXTFOOD ASIA noong nakaraang buwan, nakatutok naman ngayon ang Center for International Trade Expositions and Missions (CITEM) sa Taipei International Food Show (TIFS) ngayong Hunyo 19-22 2019 sa Taipei Nangang Exhibition Center and The Taipei World Trade Center (TWTC).
Bilang export promotion arm ng Department of Trade and Industry (DTI) pamamahalaan ng CITEM ang delegasyon ng Filipinas ngayong taon ng TIFS. Ang Philippine Pavilion ay ilalagay sa ground floor ng TWTC Hall 1.
Mas kilala sa tawag na FOOD TAIPEI, ang TIFS ngayong taon ay gaganapin nang sabay sa apat na food-related shows (Foodtech & Pharmatech Taipei, Taipei Pack, Taiwan HORECA at Halal Taiwan). Ang 5-in-1 food show ay magbibigay sa mga bisita at exhibitors ng isang one-stop shop na makikipag-ugnayan sa mga kompanya, brands at suppliers mula sa lahat ng facets at related sectors ng industriya ng pagkain.
Para sa edisyon, magdadala ang delegasyon ng Filipinas ng pabalik at first-time exhibitors sa Taiwan na pag-iisahin sa ilalim ng tema na Food Philippines. Layon ng tema ngayon na ipakilala ang natural at malusog na mga produkto ng pagkain ng Filipinas habang inilalagay ang special focus sa premium tropical fruits ng bansa tulad ng saging, mangga, pinya, calamansi, coconut products gaya ng VCO, coco water, coco powder, desiccated coconut, natural na sarsa at panghalo at ready-to-eat processed foods & beverages.
Ang ilang bumabalik na kompanya sa FOOD TAIPEI ngayong taon ay ang Destileria Limtuaco, Year Luck, at Century Pacific Food. Sasali sa kanila ang mga baguhang TIFS tulad ng GAINCOCO, Leonie Agri Corp. at JND Manufacturing Industries.
Karamihan sa exhibitors na pupunta sa Taiwan na may layon na itaas ang kanilang kaalaman sa brand, magtaguyod ng kanilang bagong product lines at diskubrehin ang merkado ng Taiwan sa pag-asang makakuha ng foreign clients hindi lamang sa Taiwan, kundi maging sa mainland China.
Sa partisipasyon ng Filipinas nang nagdaang taon sa FOOD TAIPEI, nagkaroon ng kita na US$25.83 milyon sa benta ng 18 participants. Para sa 2019 edition, plano ng DTI-CITEM na umabot sa sales target na US$26 million kasabay ng dagdag sa bilang ng business inquiries. At sa bilang ng health-conscious consumers na lalo pang dumarami, siguradong makagagawa ang FoodPhilippines ng impact sa international at Taiwanese buyers sa naturang food show.
Makikita ang Philippine exhibitors at marami pang iba sa Taipei International Food Show ngayong Hunyo 19-22, 2019 sa Taipei World Trade Center Hall 1 at sumali sa iba’t ibang food samplings at buyer services, at mag-explore ng iba pang food-related shows na gaganapin sa lugar ng pagdarausan ng okasyon. Para sa higit pang impormasyon, bisitahin ang www.citem.com.ph/food-taipei.
Comments are closed.