MGA PAMAMASLANG SISILIPIN KUNG MAY KONEK SA HALALAN – AÑO

pinaslang

QUEZON CITY – BUKAS si Interior Secretary Eduardo Año sa opinyon na may koneksiyon ang pamamaslang sa pa-parating na halalan.

Una munang nakiramay ang kalihim sa mga naulila ng mga nabiktima at tiniyak na puspusan ang ahensiya gayundin ang Philippine National Police (PNP) na papanagutin ang mga salarin gaya sa kaso ng napaslang na si Ako Bicol PL Rep. Rodel Batocabe.

“Alinsunod sa kautusan ng Malacañang, puspusan ang Kagawaran at ang PNP sa imbestigasyon at pagtugis sa mga salarin at higit sa lahat sa masterminds sa likod ng pagpaslang na ito,” ayon sa pahayag ni Año.

Samantala, naninindigan ang Kagawaran na ang mga isyu at problema tungkol sa seguridad ay nangangailangan ng whole-of-government approach at whole-of-nation initiative.

Sinabi rin ng kagawaran na hindi isinasantabi ng ng mga ito ang anggulo na may kinalaman ang paparating na halalan sa mga pama­maslang.

“Kaya, katuwang ng COMELEC at ilan pang ahensya ng pamahalaan, agad na tutukan natin ang mga maituturing na election hotspots sa bansa.”

Aniya, bukas ang DILG sa pakikipagtulungan sa ating mga mamamayan upang maresolba at mapigilan ang ganitong uri ng karahasan.  PAULA ANTOLIN

Comments are closed.