ILALAGAY na sa mga plastic bag ang mga ibebentang bigas sa palengke simula sa kalagitnaan ng 2019.
Ito ay bahagi ng reporma na ginagawa ng Department of Agriculture para sa industriya ng bigas.
Magiging katulad nito ang mga bigas na ibinibenta sa mga supermarket.
Giit ng DA na ang hakbang na ito ay para rin sa kalusugan ng mga consumer.
Inaasahan na ang gagamitin na plastic bags para rito ay yari sa biodegradable materials katulad na lamang ng gawa sa cassava.
Comments are closed.