MGA PARI, PROSEC ARMASAN

General-Oscar-Albayalde

SANG-AYON ang PNP na armasan ang mga pari at prosecutors sa gitna ng sunod-sunod na kaso ng pamamaslang sa mga ito.

Matatandaang nito lamang buwan ay napatay si Ombudsman Assistant Special Prosecutor Madonna Joy Ednaco-Tanyag matapos itong pagsasaksakin sa Quezon City habang pinagbabaril naman sa loob ng isang kapilya sa Nueva Ecija si Father Richmond Nilo bago ito magdaos ng misa.

Nauna rito ay pinatay rin sina Fr. Mark Ventura at Fr. Tito Paez.

Gayunman, ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Alba­yalde, kailangan munang dumaan sa legal na pro­seso ang sinumang nais na magdala ng armas.

Mariin namang tinutulan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang nasabing panukala.

Ayon kay CBCP President Archbishop Romulo Valles, bahagi ng kanilang tungkulin sa pagpapatupad ng misyon ni Kristo ang maharap sa anumang panganib.

Sinabi naman Bishop Oscar Jaime Florencio, na ang pag-aarmas sa mga pari ay makapagdudulot lamang lalo ng kaguluhan at hindi nito mareresolba ang problema sa mga kaso ng patayan.

HUSTISYA PARA SA 3 PARI

TINIYAK kahapon ng Malakanyang na mabibigyan ng hustisya ang sunod-sunod na pagpatay ng tatlong paring Katolika at pananagutin ang mga kriminal na may gawa ng krimen.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, magsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang mga awtoridad at makikipag-ugnayan sa liderato ng Simbahan upang talakayin kung paano mabibigyan ng proteksyon ang mga pari.

Sinabi ni Roque, na kaisa ang Palasyo sa pagkondena ng Simbahang Katolika sa pagpatay kina Fr. Mark Ventura, Fr. Tito Paez at Fr. Richmond Nilo.

Kasabay nito ay nanawagan si Roque sa publiko na magkaisa at manatiling matatag upang labanan ang mga kriminal at yaong mga nagsasamantala upang guluhin ang katahimikan at seguridad ng bansa at maging ng Simbahan.

Sinabi pa ni Roque, na  gumagawa ng paraan ang ilang grupo para lumikha ng pagkakawatak watak, pagtatanim ng galit at iba pa.

“In this nationwide drive, lawless elements will seek to block our efforts by sowing division and creating animosity, even exploiting crimes like the killings of priests,” dagdag pa ni Roque.

Magugunitang sa pahayag ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, inihayag nitong pinapatay na ang mga alagad ng Simbahan, silang mga pastol ng mga mananampalataya, minumura ang Simbahan at maging ang Panginoon ay pinapatay na rin gaya ng ginawa nila noon sa Kalbaryo.

Hiniling din ni Villegas sa Pangulong Rodrigo Duterte na tigilan ang verbal persecution laban sa Simbahang Katolika.

Nilinaw ni Roque na bagamat sa loob lamang ng anim na buwan ay tatlong pari na ang napapatay ay wala naman aniyang datos na mag-uugnay sa pagbatikos ng Pangulo at yaong mga pagpatay sa mga nabanggit na pari.    EVELYN QUIROZ

6 thoughts on “MGA PARI, PROSEC ARMASAN”

  1. 421553 977337Does your blog have a contact page? Im having a tough time locating it but, Id like to send you an e-mail. Ive got some suggestions for your weblog you might be interested in hearing. Either way, fantastic site and I look forward to seeing it expand more than time. 492740

  2. 996049 961080 Spot on with this write-up, I truly think this website needs a lot more consideration. Ill probably be once again to read much much more, thanks for that information. 975096

  3. 895072 176377Nicely picked details, many thanks towards the author. It is incomprehensive in my experience at present, however in common, the convenience and importance is mind-boggling. Regards and all the greatest .. 591140

Comments are closed.