ISINUSULONG ng Bureau of Animal Industry (BAI) sa pakikipagtulungan ng Bureau of Customs (BOC) at Manila International Airport Authority (MIAA) ang ‘no meat’ policy sa terminals ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Mahigpit ang pagbabantay ng tatlong ahensiya ng gobyerno sa mga paparating na pasahero na may dalang fresh meat at canned meat upang maiwasang kumalat ang African Swine Fever (ASF) sa bansa. Ipinatutupad ang mahigpit na monitoring upang maprotektahan din ang local meat producers sa bansa at mga magsasaka.
Iniulat kamakailan ang pagkamatay ng mga alagang baboy ng ilang residente sa lalawigan ng Rizal na pinaniniwalaang apektado ng ASF.
Matatandaan na nasakote nitong nakalipas na linggo ng mga tauhan ng BAI ang may 1,000 kilo ng karne na dala ng isang pasahero galing sa bansang may ASF.
Samantala, idineklara ng World Heath Organization (WHO) ang Ebola virus na nadiskubre na panibagong sakit ng baboy mula sa Democratic Republic of Congo.
Ikinababahala ito ng WHO dahil maari itong kumalat sa Filipinas at maging sa Western Pacific countries.
Nagbabala ang WHO sa publiko na maging maingat at manatiling alerto para makaiwas sa sakit at maiwasan din na kumalat sa bansa. FROI MORALLOS
Comments are closed.