MGA PASAHERO PINAYUHANG MAGING MAAGAP SA KANILANG MGA FLIGHT SCHEDULE

IPINAG-UTOS ng mga airline carrier sa lahat ng mga pasahero na agahang magtungo sa airport upang maiwasang magahol sa kani-kanilang flight bunsod sa pagbabalik ng extended number coding sa Metor Manila.

Ang kautusan ng mga air carrier, ay isang babala upang hindi maiwanan ng kanilang mga flight, partikular na ang lilipad papuntang Cebu International Airport, at iba pang lalawigan sa bansa.

Ayon kay Air Asia Chief Executive Officer Ricky Isla, magiging salot sa mga pasahero ang traffic build up sa major roads patungong Ninoy Aquino International Airport (NAIA), lalo na kapag rush hour.

Samantala, binuksan ng Air Asia ang kanilang bagong ruta papuntang CIA, upang matugunan ang kakulangan ng mga eroplano, sa Kabisayaan, at maging sa iba pang lugar sa ating bansa.

Ito ay antisipasyon sa pagdagsa ng airline passengers, makaraang magbalik sa normal ang mga paliparan sa buong bansa. Froilan Morallos