MAHIGPIT na binabantayan ng Department of Agriculture (DA) ang mga pasaway na hog raiser na patuloy na nagbebenta ng mga alagang baboy na apektado ng African swine fever (ASF).
Sa isang panayam, sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na hangga’t hindi tumitigil ang mga ito na gawing negosyo ang mga apektadong ba-boy ay may posibilidad pa rin na umabot na ang ASF sa mga lugar na hindi pa nito natatamaan.
Iginiit din ng kalihim na responsibilidad ng mga lokal na pamahalaan na ipaalam sa ahensya kung may mga ulat ng kaso ng ASF sa kanilang mga nasasakupan.
Sa ngayon, patuloy pa ring binabantayan ng ahensya ang lalawigan ng Pampanga at Bulacan kung saan ilang bayan ang naapektuhan na ng ASF.
Comments are closed.