MAYNILA – AABOT sa 1,135 katao na lumabag sa ordinansa gayundin ang pagkasangkot sa droga, sugal, pakikipagbasag-ulo at pagnanakaw ang inaresto ng Manila Police District (MPD).
Sa datos na nakarating sa PILIPINO Mirror, ang mga inaresto ay violators ng City Ordinances at sangkot din sa illegal drugs, illegal gambling, physical injury, robbery & theft, warrant of arrest, alarms and scandals, at paglabag sa RA 9165 at RA 7610, at iba pang kasong pang-aabuso.
Ayon kay MPD Spokesman Supt. Erwin Margarejo, puspusan ang kanilang kampanya kontra anumang uri ng kriminalidad sa lungsod upang matiyak na ligtas ang mga Manilenyo na maglakad kahit hatinggabi sa iba’t ibang lugar sa Maynila.
Paliwanag ni Margarejo dahil sa kanilang operasyon sa droga ay nakakumpiska sila ng 23 pirasong heat sealed transparent plastic sachets na may lamang pinaghihinalaang shabu.
Umapela rin ang opisyal sa publiko na makipagtulungan sa kanilang kampanya at isumbong sa pulisya kapag mayroon silang nalalamang may kahina hinalang pagkilos sa kanilang lugar o anumang mga nangyayaring krimen upang agad na mabigyan ng agarang aksyon ng pulisya. EUNICE C.
Comments are closed.