DUMARAMI ang mga proyekto ni Mayor Vincent Arjay Mea ng Tiaong, Quezon.
Para ito sa kanyang nasasakupan.
Kaya kahit ang mga taga-ibang bayan ay hinahangaan siya.
Ngunit ang mga pasaway na negosyo ay hindi niya sinasanto.
Ang mga may nagawang paglabag ay ipinasasara ng alkalde.
“Wala po akong ipasasarang establisimiyento o planta, basta po sumunod tayo sa tamang proseso,” ito ang pahayag ni Mea tungkol sa pagkuha ng business permits ng mga local investor.
Sinasabing kamakailan ay may negosyong pansamantalang ipinatigil dahil sa kawalan ng kumpletong requirements para sa business permit.
Nabatid na isa sa inisyatibo ng lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mea ang pagkakaroon ng transparency, tama at mabilisang pagproproseso ng mga dokumento.
Siyempre, bahagi ito ng ease of doing business na direktiba rin naman ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa lahat ng ahensiya ng gobyerno.
Ayaw ni PBBM na natetengga ang mga permit at dokumento na nilalakad ng mga negosyante.
Nilinaw naman ni Mayor Mea na “walang panggigipit na ginagawa ang pamahalaan sa ilang mga local investors hinggil sa pagpapasara ng ilang business establishments sa kanilang bayan.”
Aniya, maaari lamang magkaroon ng permanent o temporary suspension of operations ang isang business establishment kapag napatunayan na hindi sumunod ang mga ito sa tamang proseso ng pagkuha ng permits.”
Ayaw ni Mea na nahihirapan ang kanyang mga kababayan.
Gustong niyang ipakita sa kanyang constituents na naipatutupad ang batas nang patas para sa lahat, negosyante man o hindi.
Mabuhay po kayo, Mayor RJ Mea, at God bless po!