MGA PATING SUMULPOT SA EAST BOHOL SEA

pating

ANDA- PINAALALAHANAN ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga mangingisda na iwasan ang mga pating o killer whales.

Una nang nagsagawa ng seaborne patrol ang tauhan ng PCG sa katubigan ng Candijay at Anda.

Ito ay nang makita ang pagsulputan ng mga pa­ting kaya naman maging ang mga diver ay pinaalalahanan din.

Paalala ng coast guard sa mga residente sa lugar, kung may mamamataan na “killer whales” ay huwag itong sasaktan.

Kailangan ding maging maingat dahil ang “Orcas” ay puwedeng maging sobrang agresibo lalo na kung mayroon silang kasamang baby orcas. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.