MAY 49.09 milyong aktibong gumagamit ng TikTok sa Pilipinas, nagpapatunay na 41% ang bumibisita ng platform na ito sa loob ng isang buwan.
Ang pagiging patok ng TikTok ay bunga ng pagpapakita ng maiksing video content, ito ay nakabatay sa interest graph at hindi social graph katulad ng ibang platforms sa social media.
Ang interest graph ay tungkol sa interes at kagustuhan samantalang ang social graph ay ang relasyon sa pagitan ng indibidwal sa social media — na bakas sa Facebook ngunit hindi sa TikTok.
Ang kalakasan ng interest graph ay ang pagkakaugnay ng mga tao gawa ng dahilan, kahulugan ng layunin at tagumpay. Ito ang paglilinaw ni Deepak Nayal mula sa Medium.
Mas personal ang content ng interest graph, hindi lamang nakasalalay sa pagkakagusto at hindi pagkakagusto, may kakaibang karanasan ang mabubuo gawa ng interaksyon at babalik-balikan ang maiksing video, kung magkaminsan nagbibigay ng ideya sa tumatangkilik.
Sa kadahilanang personal ang dating ng TikTok, maraming gumagamit ng TikTok ang nahihilig dito, sila ay natututo, nakakadiskubre at kung minsan ay bumibili na rin kung may produktong ini-endorso. May 40% ng Gen Z ang gumagamit ng TikTok kaysa sa Google (mula kay Arlia ng EMplifi).
Sa nailimbag online ni Zarnaz Arlia ng EMplifi, nananatiling sikat ang TikTok gawa ng mga sumusunod:
Una, ang TikTok ay isang search engine dahil maraming tagasunod ng TikTok ang nagkakagusto sa maiksing visual content. Ang ilang TikTok na palabas ay maaari na ring makita sa Google at Instagram.
Ikalawa, ang dating tagapagbigay lamang ng nakakaaliw na palabas sa TikTok ay maaari na ring pagmulan ng mga produktong magagamit ng mga tagasunod nito. Naging tanyag ang #TiktokMadeMeBuyIt at naging katibayan na ang tagsunod ay nakabili at nakasubok ng produkto. Nagkaroon ito ng 15 billion views sa loob lamang ng apat na buwan.
Nagpapatunay na isang magaling na eCommerce platform ang TikTok. Kung kaya’t nagsipaggamit na ang kilalang brand katulad ng Shein and Amazon. Nailunsad ang marketplace platform na kilala bilang TikTok Shop Shopping Center.
Ikatlo, isang Music Streaming Platform na rin ang TikTok, kung saan ang musika ay napatanyag ng TikTok. Bago man o lumang kanta ay muling pumailanlang at naging viral sensation pa. Ang TikTok ang pinagmulan ng pagkakakilanlan sa industriya ng musika, lalo na sa sanib-pwersa ng awitin at content. Nakapagbigay na malakas na ugnayan at pagka-alala sa musikang gamit sa TikTok na palabas.
Ang ika-apat, isang pinagmumulan ng balita ang TikTok, ginamit na ng tagasunod ng TikTok bilang kapupulutan ng mahahalagang balita.
Naging maagap ang TikTok na magamit bilang app para sa kampanya ng politiko at isang behikulo para sa fundraising, isang etikal na konsiderasyon ng TikTok.
Narito ang nangungunang TikTok Content Creators sa bansa mula sa isang content writer ng Spiralytics na si Dexter Ramirez:
- Niana Guerrro 41.5 million followers
- Andrea Brillantes 19.7 million followers
- Vladimir Grand 17.2 million followers
- Sanya Lopez 15.2 million followers
- Queenee Mercardo 14.1 million followers
- Janio 12.9 million followers
- Vice Ganda 12.1 million followers
- Kuya Magik 12.1 million followers
- Kylie Alcantara 9.6 million followers
- Sassa Gurl 7.7 million followers
- Jubi and Xian 7 million followers
- Esnyr Ranollo 6.9 million followers
- Arshie Larga 3.7 million followers
- Abi Marques 3 million followers
- Juju Mao 2.4 million followers
- Inka Magnaye 2.3 million followers
- Lyqa Maravilla 1.8 million followers
- Justine Luzares 1.3 million followers
- Kristine Santamena 1.3 million followers
- Erwan Heussaff 696.4 thousand followers
Iniisa-isa rin ni Ramirez kung bakit matagumpay ang mga TikTok Content Creators ng nasa Top 20, gawa ng mga sumusunod:
Kitang-kita ang mataas na follower count at engagement ng mga nasa listahan, may mataas na kalidad at innovativative content, may malakas na implwensya sa mga uso at hamon, may consistent na engagement at may kolaborasyon at community building.
Sa inihanay na ito ni Ramirez, hindi lang basta-basta ang listahan niya dahil hindi lamang nakaka-aliw at nagpapasaya kung hindi may matutunan ang tagasunod ng TikTok na makakatulong sa kanyang buhay sa pang-araw-araw.