SINIRA kanina ng Bureau of Customs sa San Pedro Laguna ang 500,000 pirasong mga pekeng kargamento upang hindi na pakinabangan. Ito ay aabot sa P50 million na pag-aari ng Tritek Peverse Logistics Corp.
Nabatid kay BOC Commissioner Isidro Lapeña na ang mga sinirang fake goods ay kinabibilangan ng mga sandals at rubber shoes na may brand names na Adidas, Nike, watch, t-shirts, long sleeves, pants, jacket, slippers at kid’s shoes.
Ang nabanggit na mga pekeng kargamento ay nasakote ng mga tauhan ng BOC noon pang nakalipas na buwan ng December taong 2017 sa no. 142 Cuneta Ave., Pasay City ng pinagsanib na mga tauhan ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at Enforcement and Security Service (ESS).
Napag-alaman mula sa mga BOC arresting officers na walang maipresenta ang may-ari na magpapatunay na nagbayad sila ng duties and taxes sa pamahalaan.
Dagdag pa ni Lapeña na kinumpiska ang mga ito dahil nilabag ng may-ari ang Section 1113 (f) and (l) ng CMTA at Section 118(f) of the same Act, in relation to Section 166 of RA 8293 (Intellectual Property Code of the Philippines).
Aniya, sa ilalim ng Section 1146 ng CMTA, ipinagbabawal sa mga importer na magparating ng counterfeit goods o mga pekeng kargamento, sapagkat nakasaad din sa batas na ito na ang sinasabing fake goods ay sisirain upang hindi na gayahin ng iba pang mga importer.
Bukod pa rito, ito ang numero unong sumisira sa mga local na negosyante sa kanilang mga negosyo sa bansa, at para maiwasan na rin ang recycled ng mga tiwaling kawani o empleyado ng Bureau of Customs ayon pa kay Commissioner Lapeña.
Bilang pagsunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte at para na rin sa public interest and trans-parency, ang forfeited goods ay idadaan sa condemnation para matigil na ang ismagling sa mga port of entry. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.